CHARLIE “ATONG” ANG, SINISIRAAN NG MGA “MARITES” SA INTERNET

MARAMING fake news na naglalabasan ngayon. ‘Yung iba, naninira lang talaga.

Kaya mag-ingat po tayo sa mga nababasa natin sa social media. Hindi lahat ng mga ‘yan ay totoo. Mas maganda kung mag-fact check tayo.

Kamakailan ay tinarget naman ng mga ­”Marites” sa internet ang ­bilyonaryong si Atong Ang. Kaya ipinagtanggol ito ni ­Gretchen Barretto.

Idinepensa ito ng ­aktres laban sa kumakalat na pahayag kung saan sinabi raw ni Ang na pinaglololoko lang ni presidential aspirant ­Ferdinand Marcos Jr. ang mga tao.

Well, si Barretto na ang nagsabi na fake news ‘yun.

“Mas may tsansa ka pang manalo sa online ­sabong kesa itaya mo kinabukasan mo kay ­Bongbong Marcos. Pinaglololoko lang kayo ng BBM na ‘yan,” ang pahayag daw ni Ang.

Sa isang post naman sa Instagram, ibinahagi ni Gretchen ang quote card at sinabing fake news ito. Kailanman ay hindi raw ­nakikialam sa pulitika si Ang.

“Fake news! Hindi naki­kialam sa politics si Mr. Charlie “Atong” Ang,” pahayag pa ni Gretchen.

Pahiwatig pa ni ­Gret­chen, gawa lang daw iyon ng mga kalaban ni Ang sa negosyo.

Hindi nga naman ­ma­layong mangyari iyon. Marami kasing kalaban sa business itong si Ang. Kaya naman mas naniniwala ako sa naging pahayag ng ­aktres.

“Ito ay gawain ng aming kalaban sa negosyo. To my friends kindly repost this @pitmastercare. Mr. Ang will make a live statement tomorrow,” dagdag pang sabi ni Gretchen.

Ngayon, alam n’yo nang paninira lamang iyon laban kay Ang.

85

Related posts

Leave a Comment