CHINESE MUNTIK GAHASAIN SA BI JAIL

BISTADOR ni RUDY SIM

TRAUMA ang sinapit ng isang magandang babaeng inmate na nakapiit sa detention center ng Bureau of Immigration (BI), mula sa isang fugitive na convicted sa kasong pangmomolestiya at pang aabuso sa mga bata mula sa bansang New Zealand na nahuli ng mga operatiba ng BI noong 2019, na si Alan James Linton.

Ayon sa sumbong na ating natanggap, nakaligtas umano sa tangkang panghahalay ang Chinese nang hilahin ito ng suspek at hawakan ang kanyang maseselang parte ng katawan. Malayang nakagagala umano ang manyakis na dayuhan at nakapapasok sa kuwarto ng mga babaeng inmates dahil ginawa itong trustee ng pamunuan ng detention center.

Agad umanong humingi ng saklolo ang biktima sa tanggapan ng warden na pinamumunuan ni Leander Catalo, ngunit hinayaan lamang ito at hindi inihiwalay ang suspek sa masarap na pamumuhay nito sa VIP room na kinabibilangan ng mga Korean national.

Nakararanas ng harassment ang mga dayuhang inmates dito na walang kakayanang magbayad ng malaking halaga upang sila ay makakain ng masarap na pagkain at makaranas ng malamig na “Ice Rooms” na raket ng tiwaling mga tauhan ng BI.

Matapos nating ibisto ang pangungurakot umano ng mga tauhan ni Catalo sa BI jail sa inmates, ay patuloy pa rin ang kanilang raket at ang delivery ng truck ng yelo kada araw ay umaabot umano ng 200 sako ng tube ice na nagsisilbing air-condition para sa kuwarto ng maperang mga dayuhan.

Todo depensa umano ang Office of the Commissioner, wala raw nangyayaring katiwalian sa kanilang detention facility dahil mayroon itong CCTV. Weh ‘di nga? Bakit may kakayanan ba na ireklamo ng mga ordinaryong empleyado ng BI na nagmo-monitor sa CCTV, ang kanilang opisyales na makikita nilang nakikinabang sa raket sa loob ng piitan?

Nakarating din sa atin ang impormasyon na dinatnan na raw ni Catalo ang ice business sa BI jail… So what? Kundi ba naman kayo mga kumag eh, kung matino kayo, kahit panahon pa ng Hapon ang raket na ‘yan, kung hindi kayo nakikinabang ay ititigil n’yo ito! Sino kaya ang nasa likod ng ice business na ito na dati umanong Commissioner ng BI?

Bakit kaya napakalakas ng loob ni Catalo, dahil kaya ang kanyang ama ay dating RTC Judge ng Muntinlupa o dahil kababayan ito ni Commissioner Norman Tansingco mula sa Eastern Samar? Maging ang mga itinalagang special task force umano ni Warden Catalo na kanyang mga kababayang “Waray Upay”, ay nagsasamantala sa ordinaryong inmates.

Para sa inyong sumbong at reaksyon, maaaring i-text ako sa 09158888410.

214

Related posts

Leave a Comment