MISYON Aksyon, isa po ako sa subcontractor ng Atlantica Realty Development Corp. na pag-aari ng isang Dr. Francisco na matatagpuan sa Suite 205 2nd floor E&V Building 1039 Quirino Highway, Brgy. Sta Monica, Quezon City na may kontrata na pabahay sa Mapulang Lupa, Pandi, Bulacan.
Halos tatlong taon akong?subcontractor sa kompanya ng Atlantica,?awtomatikong kinakaltasan kami ng retention na 10% sa aming weekly accomplishment report sa aming voucher na napakabigat sa aming mga kontratista.
Hanggang ngayon ay hindi ibinibigay sa loob ng tatlong taon simula nang ako’y maging subcontractor.
Sana matulungan n’yo ako gaya ng dalawang isyu ng inyong kolum na nailabas sa pahayagang ito noong Sabado June 8, 2019 na may pamagat na “Retention ng subcontractor ibalik” at “Retention ng contractor na nasa P.5 milyon,” isyu noong June 15, 2019.
Sa katunayan po ay magsasama-sama na kaming mga subcontractor para kasuhan ang naturang kompanya.
Gumagalang,
Mr. 3 Color
oOo
Misyon Aksyon, isa po akong residente sa Barangay Gaya Gaya sa bayan ng SJDM Bulacan City. Humihingi po ako ng tulong sa pamamagitan ng inyong kolum. Ang aking anak na siyam na taong gulang ay kasalukuyang naka-confine sa Philippine Children’s Medical Center ngayong June 2019 dahil sa kanyang karamdaman.
Na-stroke po siya at paralisado ang kanyang kalahating katawan ngunit pilit itong lumalaban. Halos lahat ng ahensya ay nalapitan ko na pero hindi sapat ang ibinibigay na tulong na nakukuha po namin sa laki ng pangangailangan.
Hindi na rin po ako makapasok bilang isang volunteer na tanod sa aming lugar.
Gumagalang,
Mrs. Amantillo
Tinatawagan ng pansin: Sa Atlantica Realty Development Corp. na si Dr. Francisco. Sir, nakipag-ugnayan ang Misyon Aksyon sa pamamagitan ng inyong HR personnel na si Madam Camille Catayas na ipaabot po sa inyo ang isyu na lumabas sa SAKSI Ngayon upang makunan kayo ng paliwanag hinggil sa mga subcontractor ng pabahay sa Mapulang Lupa Pandi, Bulacan.
At sa mga nais pong tumulong kay Alfredo Cabiling Amantillo… ipaabot ninyo sa Misyon Aksyon at makaaasa po kayo na makararating ang inyong tulong.
Bukas po ang aking kolum para sa inyong panig at kapaliwanagan. Note: Problema sa SSS, GSIS, PagIBIG Homeowners at iba pa. Cellphone No. Smart 09420874863 /09755770656 Email ddress: Misyonaksyon@Yahoo.Com / Arnel_Petil@Yahoo.Com/Arnelpetil12@Gmail.Com. Http://Misyonaksyon.Blogspot.Com
140