CONG. ANDO OAMINAL MAY PINAGMANAHAN

DI KO GETS ni GIO ANDREW CAYANONG (GUEST COLUMNIST)

TUNAY na may pinagmanahan ang kasalukuyang kinatawan ng ikalawang distrito ng Misamis Occidental na si Cong. Fernando “Ando” Oaminal.

Subok na ang sipag at husay ng mamang ito.

Sabi ko nga, mana siya sa kanyang ama na batikan naman sa public service.

Ito’y walang iba kundi si Gov. Henry Oaminal na dati ring kongresista at Deputy Speaker ng House of Representatives.

Si Gov. Oaminal ay nanumpa noong 2022 bilang gobernador sa harap ni Supreme Court Associate Justice Jose Midas Marquez.

Isa sa mga proyekto niya ay ang P7.2 bilyon Panguil Bay Bridge Project na matagal nang pangarap ng mga Misamisnons.

Siya rin ang nagpatayo ng Mt. Malindang 2nd District Eco-Tourism Highway (Sinacaban- Don Victoriano Mountain Road) na nagkakahalaga ng P1.7 bilyon at kumokonekta sa mga bayan ng Sinacaban, Tudela, at Clarin patungo sa mga lungsod ng Ozamiz at Tangub at maging sa mga bayan ng Bonifacio at Don Victoriano.

Nagpatayo rin siya ng mga paliparan at seaports habang isinulong din niya ang modernisasyon ng Labo Airport na nagkakahalaga ng P1.6 bilyon.

Nandiyan din ang mga ipinatayo niyang Ozamiz Seaport, flood-control projects & drainage system, Usugan River Control Project, Migkanaway River Control Project, Clarin River Control Project,
Ozamiz City Drainage, pagpapaganda ng health & hospital services facilities, at marami pang iba.

Ngayong si Gov. Henry ang ama ng lalawigan at kinatawan naman nila si Cong. Ando, mahusay na naisusulong ang mga magagandang proyekto at programa para sa mga mamamayan.
Kaya wala na tayong hahanapin pa sa mag-amang ito.

Kumbaga, perpekto talaga ang kanilang tambalan.

Ikalat po natin sa buong mundo ang #AsensoSegundoDistrito, #AsensoMisamisOccidental, #AlagangOaminal, #AlwaysOaminal, #LuboslubosNgaSerbisyo, at #TinudanayNgaSerbisyo.

Mabuhay po kayo, mga bossing, at God bless!

436

Related posts

Leave a Comment