CONG. ARNIE TEVES ‘LODI’ NG BAYAN

SABONG ON AIR Ni KA REX CAYANONG

NAGIGING ‘lodi’ na ng bayan si Negros Oriental 3rd District Rep. Arnolfo “Arnie” A. Teves Jr.

Paano kasi, namimigay siya ng papremyo sa mga kapus-palad at tuloy-tuloy ang serbisyo sa bayan.

Kilalang matulungin ang mama.

Kaya naman, kahit saan siya pumunta, kapag may nakikita siyang nangangailangan ng tulong, aba’y tinutulungan niya talaga.

Kaya maraming humahanga sa kanya.

Kahit sa social media, dumarami ang followers ng mamang kongresista.

Wala kasi siyang pinipili.

Kapag nangailangan, hindi siya nagdadalawang-isip na bigyan ito ng karampatang ayuda o tulong.

Kahit ang mga katulad niya na tumutulong din, pinupuri niya sa socmed.

“Natutuwa ako sa mga taong katulad ni Arbel Daguing na tumutulong sa kanyang kapwa. Kakampi natin siya sa pagtulong sa ating mga kababayang kapus-palad. Lumapit si Arbel sa Teves Cares upang humingi ng tulong para sa 62-year old na si Tatay Wilson Argote na nakita niyang masama ang kalagayan sa lansangan. Bagama’t may masamang nangyari, ipinapaabot ko pa rin ang aking pasasalamat. Thank you palangga, Arbe, sa pagtulong mo kay Tatay Wilson. We care. Teves Cares!” ayon sa isang post ng kongresista.

Nagdiwang siya ng kanyang kaarawan noong Agosto 10 at namahagi siya ng pa-premyo sa ating mga kababayan.

Gumawa siya ng live raffle kung saan, kung hindi ako nagkakamali, ay may nanalo ng hanggang P20,000.

Naglunsad din siya ng #TevesCaresDanceChallenge kamakailan.

Ilan lamang iyan sa mga ginagawa niya sa kanyang mga kababayan, bukod pa sa pagsisilbi sa kanyang distrito.

Nawa’y lahat ng mga lingkod-bayan ay katulad ni Teves na nararamdaman ng mga tao, hindi lamang sa social media, kundi sa mismong ground kung saan siya naglilingkod.

Saludo po ako sa inyo, Cong. Arnie Teves.

Mabuhay po kayo at God bless!

37

Related posts

Leave a Comment