COVID-19 TUMATAAS SA MGA PROBINSIYA, BUMABABA SA NCR PLUS

0

HINDI nakapagtataka kung bakit tumataas ang mga kaso ng COVID-19 sa mga probinsiya dahil kahit naka-lockdown na ay may nakalulusot pa rin at nakapapasok na mga tao sa kanilang mga lugar.

Isa d’yan ang mga taong galing sa National Capital Regon (NCR).

Kaya, hindi nakakapagtaka kung bakit patuloy ang pagtaas ng mga kaso ng COVID-19 sa mga lalawigan.

Lalo na nitong dumami ang bagong COVID variant na nakapasok sa Pilipinas.

Pangalawang dahilan ay nakapokus sa NCR plus bubble ang bulto ng bakuna.

Kakaunti lang ang nakararating sa Visayas at Mindanao.

Ilan din sa mga taga-pro-binsiya ay hindi maingat at hindi sumusunod sa health protocols na ipinatutupad ng gobyerno.

Hindi rin masyadong mahigpit ang local government units (LGUs) sa mga probinsiya sa pagpapatupad ng minimum health standards.

Ilan sa kanila ay balewala ang face masks, face shields at physical distancing.

Sa NCR plus lang mahigpit na ipinatupad ang minimum health standards.

Sa mga lalawigan ay balewala ‘yan.

Kinakailangang gumawa ng paraan ang Inter-Agency Task Force (IATF) kung paano nila ngayon matutulungan ang mga lalawigan na pigilan ang patuloy na pagtaas ng bilang ng ga kaso ng COVID-19.

Kailangang higpitan ang pagpapatupad ng health protocols tulad ng pagsusuot ng face masks at face shields.

Puspusang isagawa ang swab test at contact tracing para matukoy kung nasaan ang mabilis na hawaan ng virus.

At bigyan ng maraming bakuna ang mga probinsiya.

Ito na marahil ang solusyon tulad nang naganap sa NCR plus na unti-unting ­bumagal ang hawaan dahil marami nang mga residente ang ang nabakunahan.

Kailangan ding paigtingin ang information dissemination sa buong bansa para mahikayat na magpabakuna ang marami pang tao na ­nagdadalawang isip na magpabakuna.

Hanggang ngayon kasi ay marami pa ring mga Filipino ang ayaw magkabakuna.

Ang Israel ay agad nagkaroon ng herd immunity ang kanyang mamamayan dahil nabakunahan na sila.

Ayaw ba natin na makabalik sa normal na pamumuhay tulad nang dati?

Hindi delikado ang bakuna dahil kung  nakakasama ito ay may mga bansang tumanggi ang kanilang mamamayan sa bakuna.

Hanggang ngayon ay wala pa namang nagsasabing presidente ng alinmang bansa na hindi nila kailangan ang bakuna laban sa COVID-19.

Sa halip, nag-aagawan pa sila.

Ganun pa man, matatapos din ang COVID-19 sa tulong ni Lord.

oOo

 

Para sa suhestiyon at reaksyon, mag-email ­joel2amongo@yahoo.com at ­operarioj45@gmail.com, o kaya magtext sa 0956-951-00-57.

 
"COMMENT DISCLAIMER: Reader comments posted on this Web site are not in any way endorsed by SAKSI NGAYON. Comments are views by saksingayon.com readers who exercise their right to free expression and they do not necessarily represent or reflect the position or viewpoint of saksingayon.com. While reserving this publication’s right to delete comments that are deemed offensive, indecent or inconsistent with SAKSI NGAYON editorial standards, SAKSI NGAYON may not be held liable for any false information posted by readers in this comments section."

Related posts

Leave a Comment