COVID SPECIALIZED HOSPITAL ANG DAPAT PAG-UKULAN NG PANSIN

0

(KARUGTONG)

Kung aalalahanin ang ating kasaysayan, noong taong 1910 ay napag-aralan na halos 40,000 Filipino ang namatay dahil lamang sa sakit na tuberculosis o TB, kung kaya napagdesisyunan na magtayo ng Philippine Island Anti-Tuberculosis Society noong July 29,2010. Ngunit sa pamamagitan ni dating Pangulong Manuel L. ­Quezon na noon ay isang senador, ay nagpasa ito ng batas na kung saan ay naglaan ng pondo mula sa Philippine Charity Sweepstakes para pondohan ang pagtatayo ng Quezon Institute. Sinundan din ito ng panukala ni dating Senador Sergio Osmeña na maglaan ng halagang P1.8 milyon para sa karagdagang pondo sa pag-aaral at gamot sa tuberculosis.

Maging noong panahon ni dating Pangulong Ferdinand Marcos ay nagpatayo rin ito ng mga specialized hospital na katulad ng Philippine Heart Center at ng Philippine National Kidney Institute para sa pag-aaral at paggamot ng tumataas na bilang ng mga Filipino na may karamdaman sa puso at kidney.

Ngunit sa kasalukuyang ­panahon ay tila mas pinag-uukulan ng ating gobyerno ang pagtatayo ng mga pansamantalang COVID Isolation facilities na tila ang iniisip nila ay panandalian lamang ang nagaganap na pandemya.

Napakarami na ang nama­matay dahil hindi man lamang nakapasok maski sa emergency room ng mga ospital dahil ito ay okupado na ng mga nahawahan ng COVID 19 virus at hindi dapat ito mangyari sa mga susunod na panahon.

Marahil ay napapanahon na para manawagan ang bawat isang nagmamalasakit na Filipino na kalampagin ang ating pinuno sa pamahalaan na pag-ukulan na ng pansin ang pagkakaroon ng ­COVID Specialized Hospital o Institute na siyang magiging takbuhan ng mga pasyente na may ­ganitong karamdaman. Dapat na ang mga regular na ospital ay maging bukas na muli para sa mga pasyenteng may pangkaraniwang karamdaman na nangangailangan ng atensyon ng ating mga ospital.

Tama na ang pamumulitika at paggamit ng pandemya para sa sariling kapakanan sa pulitika, panahon na para naman pag-isipan ang tunay na kapakanan ng mamamayan para sa totoong pag-ahon sa krisis dulot ng pandemya. Mas tatatak sa isip ng taumbayan ang pinuno na tunay na magmamalasakit sa bayan para sila ay makaahon sa krisis at mapangalagaan ang kanilang mahal sa buhay.

 
"COMMENT DISCLAIMER: Reader comments posted on this Web site are not in any way endorsed by SAKSI NGAYON. Comments are views by saksingayon.com readers who exercise their right to free expression and they do not necessarily represent or reflect the position or viewpoint of saksingayon.com. While reserving this publication’s right to delete comments that are deemed offensive, indecent or inconsistent with SAKSI NGAYON editorial standards, SAKSI NGAYON may not be held liable for any false information posted by readers in this comments section."

Related posts

Leave a Comment