INIHAYAG ni Philippine Ambassador to the United States Jose Manuel “Babe” Romualdez na ang mga institusyon ng Pilipinas ay malubhang nakompromiso sa mga hacker.
Ayon sa kanya, maaaring makapasok sa iba’t ibang system ang mga hacker upang magpakalat ng mga pekeng impormasyon at magkontrol ng mga tao.
May mga US expert aniya na pupunta ng Manila upang i-assess ang cybersecurity risks ng bansa.
Mahalaga raw ang gagawing assessment upang ma-mitigate ang kahit anong pagpasok na mangyayari mula sa iba’t ibang mga source.
Nagbabala umano ang intelligence community na may mga pagpaplanong isinasagawa para sa operasyon sa Washington at Manila laban sa iba’t ibang personalidad kabilang siya.
Ang mga plano raw na ito ay nabuo magmula nang magpunta sa Estados Unidos si Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos Jr. at inanunsyo ang mga bagong Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA) sites sa Pilipinas upang maging proteksyon sa mga banta mula sa Indo-Pacific.
Isang halimbawa na ibinigay ng Filipino diplomat ay ang militarisasyon sa South China Sea ng Vietnam na naganap noong bumisita sa Hanoi si Department of Foreign Affairs Secretary Enrique Manalo.
Napatunayan ni Romualdez na na-hack ng Vietnam ang system ng Pilipinas, kaya nakakuha ng sapat na impormasyon ang bansa tungkol sa plano ng Pilipinas.
Ito raw ay nagpapakita na mayroong tensyon sa mga alyado at kaibigan ng bansa.
Matagal nang problema ng Pilipinas ang tungkol sa cybersecurity. Sa internet speed pa lamang ay nasa pinakamabagal ang bansa.
Maging sa user interface ng government sites, sobrang outdated ng mga impormasyong naka-post at may mga hindi na available na file.
Mula rito, hindi nakapagtataka na ang cybersecurity ng pamahalaan hinggil sa restricted and confidential information ay napakahina.
Palaging nasa mataas na antas ng panganib ang digital information ng bawat Pilipino dahil sa mahinang cybersecurity ng Pilipinas.
Isang magandang balita na ia-assess ng mga eksperto mula sa Estados Unidos ang kasalukuyang lagay ng cybersecurity ng bansa.
Layunin nito na maisailalim sa maintenance ang bawat government site at maisama sa rekomendasyon ng cybersecurity experts upang mapagaan ang transaksyon ng mga Pilipino sa pamahalaan.
195