UNA sa lahat ay binabati natin si president-in-waiting Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos sa kanyang makasaysayan, landslide at walang kaduda-dudang tagumpay kaugnay ng nakaraang halalang pang-panguluhan nitong Mayo 9.
Nais din nating batiin ang iba pang mga nanalo kabilang na si vice-president-in-waiting Inday Sara Duterte at iba pang mga nagwagi sa iba’t ibang posisyon.
At dahil tapos na ang halalan ay dapat matapos na rin ang iba’t ibang isyu at bangayan kaugnay nito at sama-sama tayong magtulungan bilang isang bansa at isang lahi na humaharap sa iba’t ibang hamon tungo sa hangad nating tagumpay at kaunlaran.
Nakatutuwa na ang ibang mga talunang kandidato sa pagka-pangulo katulad nina Isko Moreno, Ping Lacson, Manny Pacquiao, Leody de Guzman at maging si VP candidate Tito Sotto ay nagpahayag na ng pagtanggap ng kanilang pagkatalo.
Nanawagan na rin sila sa kanilang mga taga-suporta na igalang ang kagustuhan ng mayorya ng mga Pilipino at suportahan ang paparating na pamahalaang Marcos.
Pero sa malas ay marami pa ring ayaw galangin ang proseso ng halalan tulad ng kampo ni Mrs. Leni Robredo na hanggang ngayon ay nagpapakalat pa ng mga pekeng balita na may nangyaring dayaan sa halalan.
Ang masakit pa nito ay may mga dumarating pang mga ulat na magsasagawa sila ng mga malawakang pagkilos sa iba’t ibang panig ng bansa para guluhin ang sitwasyon at puwersahin na palayasin si BBM at hadlangan ang kanyang pag-upo.
Mahigit 35 taon na ang nakararaan pero hindi pa rin nagbabago ang playbook ng mga dilawan at mga komunistang kaalyado nila at akala nila ay mauulit pa nila ang pekeng rebolusyon noong 1986.
Pero sa pagkakataong ito ay tiyak na mabibigo na sila sa kanilang maitim na balak dahil tiyak na hindi papayag ang mahigit na 31 milyong Pilipino na maagaw pang muli ang tagumpay na ibinigay nila kay BBM.
Nakakaalarma lang na ilang agitators tulad ng talunan sa pagka-senador na si Luke Espiritu ang gustong agawin ang panalo mula kay BBM ngunit ayaw namang itaya ang sarili.
Sa halip ay nanawagan ang kumag sa mga kabataan na huwag umuwi ng kanilang mga bahay at ituloy ang laban para mabawi kuno ang panalo mula kay BBM.
Kumag talaga ang mga kagaya niya na sa halip na turuan ng tamang asal ang mga kabataan ay siya pang nagtutulak sa kanila sa kapahamakan.
Sana naman ay tigilan na nina Leni ang kanilang kahibangan at makipagtulungan na lang sa administrasyong Marcos lalo pa at kinikilala naman na ng international community tulad ng Japan, Estados Unidos at iba pang mga bansa ang kanyang tagumpay.
In fairness sa kilalang dilawan na si Chel Diokno, nagpahayag na siya ng pagtanggap sa resulta ng halalan at aniya ay dapat igalang ng kanilang mga taga-suporta ang kagustuhan ng taumbayan.
Sa ilalim ng tambalang Leni-Kiko, hinikayat ang kanilang mga supporters na tanggapin ang naging desisyon ng sambayanang Pilipino.
Sa partial at unofficial na resulta pagdating sa senatorial race, naka-puwesto sa labing-siyam si Diokno na may 9, 871,675 na boto.
Ayon kay Chel Diokno, malinaw ang naging resulta ng quick count sa isang demokrasya at karapat-dapat na tanggapin ang pasya ng taumbayan.
“Malinaw ang resulta ng quick count, at isang demokrasya, karapat-dapat na tanggapin ang pasya ng taumbayan,” ayon kay Diokno.
Sinabi pa ni Diokno, ipinagdarasal niya na ang tagumpay ng mga nanalong kandidato ay maging tagumpay rin ng sambayanang Pilipino.
Ang mga katulad ni Diokno ang dapat sundin ng mga dilawan at hindi ang kagaya ng hangal na panawagan ni Espiritu na obvious naman na nakikisakay lang para sa libreng publisidad.UNA sa lahat ay binabati natin si president-in-waiting Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos sa kanyang makasaysayan, landslide at walang kaduda-dudang tagumpay kaugnay ng nakaraang halalang pang-panguluhan nitong Mayo 9.
Nais din nating batiin ang iba pang mga nanalo kabilang na si vice-president-in-waiting Inday Sara Duterte at iba pang mga nagwagi sa iba’t ibang posisyon.
At dahil tapos na ang halalan ay dapat matapos na rin ang iba’t ibang isyu at bangayan kaugnay nito at sama-sama tayong magtulungan bilang isang bansa at isang lahi na humaharap sa iba’t ibang hamon tungo sa hangad nating tagumpay at kaunlaran.
Nakatutuwa na ang ibang mga talunang kandidato sa pagka-pangulo katulad nina Isko Moreno, Ping Lacson, Manny Pacquiao, Leody de Guzman at maging si VP candidate Tito Sotto ay nagpahayag na ng pagtanggap ng kanilang pagkatalo.
Nanawagan na rin sila sa kanilang mga taga-suporta na igalang ang kagustuhan ng mayorya ng mga Pilipino at suportahan ang paparating na pamahalaang Marcos.
Pero sa malas ay marami pa ring ayaw galangin ang proseso ng halalan tulad ng kampo ni Mrs. Leni Robredo na hanggang ngayon ay nagpapakalat pa ng mga pekeng balita na may nangyaring dayaan sa halalan.
Ang masakit pa nito ay may mga dumarating pang mga ulat na magsasagawa sila ng mga malawakang pagkilos sa iba’t ibang panig ng bansa para guluhin ang sitwasyon at puwersahin na palayasin si BBM at hadlangan ang kanyang pag-upo.
Mahigit 35 taon na ang nakararaan pero hindi pa rin nagbabago ang playbook ng mga dilawan at mga komunistang kaalyado nila at akala nila ay mauulit pa nila ang pekeng rebolusyon noong 1986.
Pero sa pagkakataong ito ay tiyak na mabibigo na sila sa kanilang maitim na balak dahil tiyak na hindi papayag ang mahigit na 31 milyong Pilipino na maagaw pang muli ang tagumpay na ibinigay nila kay BBM.
Nakakaalarma lang na ilang agitators tulad ng talunan sa pagka-senador na si Luke Espiritu ang gustong agawin ang panalo mula kay BBM ngunit ayaw namang itaya ang sarili.
Sa halip ay nanawagan ang kumag sa mga kabataan na huwag umuwi ng kanilang mga bahay at ituloy ang laban para mabawi kuno ang panalo mula kay BBM.
Kumag talaga ang mga kagaya niya na sa halip na turuan ng tamang asal ang mga kabataan ay siya pang nagtutulak sa kanila sa kapahamakan.
Sana naman ay tigilan na nina Leni ang kanilang kahibangan at makipagtulungan na lang sa administrasyong Marcos lalo pa at kinikilala naman na ng international community tulad ng Japan, Estados Unidos at iba pang mga bansa ang kanyang tagumpay.
In fairness sa kilalang dilawan na si Chel Diokno, nagpahayag na siya ng pagtanggap sa resulta ng halalan at aniya ay dapat igalang ng kanilang mga taga-suporta ang kagustuhan ng taumbayan.
Sa ilalim ng tambalang Leni-Kiko, hinikayat ang kanilang mga supporters na tanggapin ang naging desisyon ng sambayanang Pilipino.
Sa partial at unofficial na resulta pagdating sa senatorial race, naka-puwesto sa labing-siyam si Diokno na may 9, 871,675 na boto.
Ayon kay Chel Diokno, malinaw ang naging resulta ng quick count sa isang demokrasya at karapat-dapat na tanggapin ang pasya ng taumbayan.
“Malinaw ang resulta ng quick count, at isang demokrasya, karapat-dapat na tanggapin ang pasya ng taumbayan,” ayon kay Diokno.
Sinabi pa ni Diokno, ipinagdarasal niya na ang tagumpay ng mga nanalong kandidato ay maging tagumpay rin ng sambayanang Pilipino.
Ang mga katulad ni Diokno ang dapat sundin ng mga dilawan at hindi ang kagaya ng hangal na panawagan ni Espiritu na obvious naman na nakikisakay lang para sa libreng publisidad.
82