DATING ES RODRIGUEZ WALANG KINALAMAN SA SUGAR IMPORTATION

BISTADOR ni Rudy Sim

UNTI-UNTING lumalabas ang katotohanan kung paano tinugunan ng gobyerno ang kakulangan sa suplay ng asukal noong nakaraang taon.

Lumabas kamakailan na walang lagda ni Pangulong Bongbong Marcos ang dalawang kautusan o ang Sugar Order 4 at Sugar Order 6 na nagpapahintulot sa Sugar Regulatory Administration (SRA) na mag-angkat ng asukal upang madagdagan ang suplay.

Si PBBM ay tumatayong chairman ng SRA bilang siya rin ang pansamantalang nangangasiwa sa Kagawaran ng Agrikultura.

Ang nasabing walang lagdang mga kautusan ay nagpapawalang bisa sa planong mag-angkat ng 440,000 tonelada ng asukal.

Ito rin ang nagpawalang-sala kay dating Executive Secretary Atty. Vic D. Rodriguez mula sa mga paratang na siya ang nasa likod ng nasabing dalawang kautusan.

Ayon sa isang netizen, wala talagang nangyaring anomalya, at kung meron man, ito ay kagagawan na ni PBBM na siya ring nangangasiwa sa Kagawaran ng Agrikultura.

Giit niya rin na tila sinalo lang ni Atty. Rodriguez ang sisi upang mailigtas ang reputasyon ni PBBM.

Aniya, binanggit din ni dating Senador Joker Arroyo na “A loyal ES must take the fall for the erring president.”

38

Related posts

Leave a Comment