DAYAAN HINDI MATITIGIL?

FOR THE FLAG

May isang viral video ngayon na nagpapakita ng isang balota na compromised, ibig sabihin pinasukan na ng matinding daya.

Sa unang tingin ay mukhang normal ang nasabing balota, ngunit nang gamitan niya ng ultra-violet light, ipinakikita ng video na shaded na ang mga pangalan ng mga kandidatong mula sa Liberal Party.

Nauna na rito ang ginawang expose ng ilang mga kababayan natin sa Hong Kong na bumoto sa embahada roon at nag-ulat na ang mga pangalang ibinoto nila ay hindi lumabas, bagkus na-credit sa ibang kandidato na hindi naman nila ibinoboto.

Mayroon ding bumoto ng 12 kandidato sa pagka-senador ngunit 10 ang lumalabas na ibinoto.

Maliwanag na malawakang dayaan ang mangyayari sa Mayo 13, 2019. Si Atty. Glenn Chong naman na kandidato sa pagka-senador at advocate laban sa dayaan sa halalan ay inihayag sa kanyang viral video na ikinukubli sa isang silid sa mga embahada ng Pilipinas sa iba’t ibang bansa ang election machine. Ito ang dahilan kung kaya nanawagan ito sa Comelec na buksan ang mga bintana upang makita ng lahat ang ginagawa nang hindi masingitan ang mga boto ng ating mga kababayang overseas Filipino worker.

Nararapat lamang naman talaga ang transparency sa pag-handle ng mga nasabing mga makina upang mapanatili ang integridad ng halalan.

Hiniling din ni Atty. Chong na isapubliko ang mga lokasyon ng 17 regional hub na itatayo sa araw ng halalan upang mabantayan naman ng mga partido at ng taumbayan ang mga boto sa precinct level.

Bukod dito, hiniling din niyang i-publish ng Comelec sa lalong madaling panahon ang nasabing mga lokasyon upang mabura ang duda ng ating mga kababayan sa integridad ng isasagawang eleksyon.

Ayon kay Chong, maaa­ring magamit na dayaan sa precinct level kung hindi magiging transparent ang Comelec ukol dito at kung hindi bibigyan ng panahon ang mga partido na makapag-organisa ng mga tao nilang magbabantay sa iba’t ibang regional hub.

Ang pagsasapubliko ng mga lokasyon ng 17 regional hub na ginagamit sa pag-switch sa mga SD card ay lubhang importanteng gawin ng Comelec kung totoong wala silang itinatagong agenda.

Ipinapanawagan din natin na ilathala ang mga transmission code ng lahat ng canvassing system kung saan mga boto ng isang buong bayan at buong siyudad ang maaaring nakawin ng sindikato ng eleksyon sa bansa.  (For the Flag / ED CORDEVILLA)

113

Related posts

Leave a Comment