DEPARTMENT OF OFW, MATUTUPAD NA SA DISYEMBRE

AKO OFW

Kahapon ay isa ako sa naimbitahan para dumalo sa Congress Meeting ng Committee Secretary ng Committee on Go­vernment Reorganization at Committee on Overseas Workers Affairs.

Kasama sa mga naimbitahan ay ang mga kinatawan ng Department of Labor and Employment (DOLE) sa pamumuno ni Secretary Silvestre Bello, POEA, OWWA, CFO at ang DFA-OUMWA at ang ilang piling mga non-government organizations (NGOs) na kung saan nabibilang ang AKO OFW Inc.

Sa takbo ng pag-uusap ay malinaw na ang lahat ng dumalo ay nagpahiwatig ng kanilang pagsuporta upang maisabatas ang pagkakaroon ng DOFW.

Maraming mga mungkahi ang iprinesenta ng mga dumalo at isa na rito ay ang mungkahi ng AKO OFW sa pagkakaroon ng Global Migration Institute na kung saan ito ay magiging daan o paraan upang ang mga OFW at da­ting mga OFW ay magkaroon ng pagkakataon na makapasok o maging parte ng DOFW.

Sa pamamagitan ng pagkakaroon ng Global Migration Institute na papangasiwaan ng bagong itatatag na DOFW, ay sasanayin ang mga Labor Attache, Welfare officers at iba pang mga opisyal na matatalaga sa ibang bansa pati na rin ang mga OFW na gustong maging bahagi ng DOFW.

Napakahalaga ng kasanayan ng bawat opisyal o tauhan na dahil ang kanilang papangalagaan ay mga OFW na nagbibigay yaman para sa a­ting bansa.

Bago magtapos ang pulong ay nabanggit ng Committee Chairman Cong. Marvey Mariño na ang tagabulin ng pangulo ay matapos ang paggawa ng batas sa Nobyembre upang maisabatas at pirmahan ng pangulo Rodrigo Duterte sa Disyembre. (Ako OFW / DR. CHIE LEAGUE UMANDAP)

252

Related posts

Leave a Comment