DEPLOYED NG PRIMEWORLD MANPOWER AGENCY INC., HUMIHINGI NG SAKLOLO

BANTAY OFW

Natanggap ko sa ating Bantay OFW monitoring center ang reklamo ng ating OFW na nasa Dammam, Saudi Arabia na si Mary Kres Rosales.

Ayon sa sumbong ni Mary Kres Rosales ay: “expired na po ang iqama ko at hindi ma-renew gawa ng nilagay ng nagbenta sa akin dito po eh takas ako kaya undocumented po ako dito at ayaw ako pauwiin ng amo ko.’Yung agency ko po ay hindi nila ako iniintindi. Sana po ay matulungan ninyo akong makauwi. “

Ito ang dahilan kung bakit paulit-ulit tayong nanawagan sa lahat ng mga ahensya na dapat ay regular nilang mino-monitor ang lahat ng mga OFW na kanilang ipinadala sa ibang bansa. Ang malimit kasing maliit lamang na problema kung hindi agad ipapara-ting sa mga employer ay nagpapatong-patong at magiging isang malaking problema na ang tanging apektado ay ang mga OFW na wala namang hangarin kundi ang kumita ng pera para sa kanilang pamilya.

Ako ay nakikiusap sa Primeworld Manpower Agency Inc. na kung maaari ay makipag-ugnayan agad sa employer ni Mary Kres Rosales at siguruhin na maayos itong mapauwi na sa Pilipinas. Dapat ding siguruhin ng ahensya na ang anumang bayarin sa penalty sa expired iqama o residency permit ay dapat na akuin ng kanyang employer. At dapat ding masiguro na matatanggap ni Mary Kres ang kanyang benepisyo at suweldo.

oOo

Hinihikayat natin ang lahat ng OFW o maging ang mga paalis pa lamang ng Pilipinas na mag-download ng Bantay OFW monitoring apps na libre sa android play store. Dahil sa pamamagitan ng Bantay OFW monitoring apps ay regular nating makukumusta ang lahat ng ating mga kabayani saan mang sulok sila ng mundo. (Bantay OFW / DR. CHIE LEAGUE UMANDAP)

209

Related posts

Leave a Comment