DEPLOYMENT BAN NG OFW, PANAHON NA UPANG ALISIN

RAMDAM na ramdam na natin ang pagbabalik natin sa normal na pamumuhay dahil sa pagluluwag ng pamahalaan sa ­quarantine restriction.

Bagama’t nakabalik na ang karamihan sa kanilang mga trabaho, kapansin-pansin naman ang paghihigpit ng Department of Labor and Employment (DOLE) sa overseas Filipino workers (OFWs) dahil sa ipinatutupad na deployment ban sa Saudi Arabia kaugnay ng isyu ng hindi pagpapasweldo ng mga employer sa ating mga kababayan.

Ngunit para sa isang organisasyong nagsusulong sa kaligtasan at kapakanan ng mga OFW, ang patuloy na pagbabawal sa mga Pilipino na umalis ng bansa upang makapagtrabaho ay nagdudulot na ng collateral ­damage sa kanila.

Ayon sa Advocates and Keepers Organization of Overseas Filipino Workers (AKO-OFW), panahon na upang alisin ang deployment ban para makabalik ang ating overseas workers sa kanilang trabaho.

Isa lamang sa mga humingi ng tulong sa AKO-OFW ay ang isang aplikante pa-Saudi na isang single mom sa kanyang tatlong anak. Aniya, kailangan niyang kumita nang mas malaki upang mabigyan nang maayos na buhay ang kanyang mga anak.

Ayon sa aplikante, kumikita lamang siya noon ng P300 kada araw kaya naman minabuti na ­lamang niyang maghanap ng mas magandang oportunidad sa Saudi.

Naging malaking isyu rin para sa DOLE ang mga abusadong employer na ayon sa data noong 2020 ay umabot sa 5,000. Sa kabuuang ito, 4,302 na kaso ang naitala sa Middle East lamang.

Maaari ngang may mga abusadong employer sa ibang mga bansa, gayunman ang ­ating mga kababayan lamang ang ­magpapatunay nito. Ngunit sa ­aking pananaw, panahon na upang alisin ang deployment ban upang mabigyan ng pagkakataon ang mga OFW na makabawi at kumita para sa kanilang kinabukasan.

Kung ang kapakanan nila ang pag-uusapan, napakaraming mga organisasyon ang bukal sa loob na tumulong sa oras ng kanilang pangangailangan. Isa na rito ang AKO-OFW na isa sa mga tumatakbong party-list sa Kongreso at pang 10 sa balota.

Mula nang maitalaga noong 2015, naging aktibo na ang AKO-OFW sa pagprotekta sa karapatan at kapakanan ng ating mga OFW, bukod pa sa kanilang mga programa at inisyatiba katulad ng OFW pension plan, programang pabahay, scholarship grant para sa mga anak ng OFW, at ­reemployment program para sa kanila at kanilang pamilya.

Kung papalaring maihalal sa Kongreso, mas matitiyak nating nasa mabuting kamay ang ating mga OFW dahil ilang taon pa lamang mula noong maitalaga ang organisasyon ay napakarami na nilang natulungan at nagawang programa para sa ikabubuti ng ating manggagawa sa labas ng bansa.

172

Related posts

Leave a Comment