DEPUTY SPEAKER ROBBIE, BOKAL RANDY MAGKATUWANG SA SERBISYO PUBLIKO!

TARGET NI KA REX CAYANONG

HABANG umiikot ang mga araw, lalo pang dumarami ang mga proyekto at programa ni Deputy Speaker at Antipolo Rep. Roberto “Robbie” Puno.

Katuwang niya sa pagseserbisyo si Rizal Board Member Randy Puno, anak ng kongresista. Naging matagumpay naman ang medical & dental mission na ginanap sa Blue Mountain Arena Grounds sa Antipolo, Rizal kahapon.

“Ang programang ito ay taunang ginaganap kasama ang Chinese General Hospital, bilang paggunita sa kaarawan nina Congresswoman Chiqui at Deputy Speaker Robbie Puno,” sabi ni Bokal Randy.

Nagkaroon ng libreng medical at dental checkup, bunot ng ngipin, gamot, gupit at mayroon ding libreng massage. Kaya ang mga maagang pumunta ay maaga ring nakapag-avail ng mga libreng serbisyo.

Makaraan naman ang ilang taong pakikipag-ugnayan ng Barangay Mayamot, sa pangunguna ni Kapitan Pablo Oldan, kina Deputy Speaker Robbie at Board Member Randy, sa City Government of Antipolo, kina Mayora Andeng Ynares at Mayor Jun Ynares, pinasinayaan na ang bagong barangay hall ng nasabing barangay.

“Ang proyektong ito ay bunga ng pakikipag-ugnayan nina Deputy Speaker Robbie at Board Member Randy sa Department of Public Works and Highways (DPWH) upang mailaan ang pondo para rito. Abangan din natin ngayong 2023 ang kauna-unahang Sports Hub sa Barangay Mayamot,” dagdag pa ni Bokal Randy.

Kamakailan naman, nakapag-payout muli ang lokal na pamahalaan para sa halos 600 na katao mula distrito para sa pangangailangang medikal at burial ng mga ito.

Nabatid na kasama si Bokal Randy, kanyang pinasalamatan ang serbisyo ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) para sa mga taga-distrito.

Siyempre, hindi maitatanggi na ang programang ito ay naisasakatuparan bunsod ng patuloy na pakikipag-ugnayan nina Deputy Speaker Robbie at Board Member Randy sa DSWD.

“Kaya kung ikaw o alin man sa inyong kapamilya ay nangangailangan ng tulong, magsumite lamang sa 1st Congressional District Office ng Antipolo sa Masinag, Lunes hanggang Biyernes, mula alas-8:00 ng umaga hanggang alas-4:00 ng hapon,” pahayag ni Bokal Randy.

Ilan sa requirements na maaaring ipasa para sa medical assistance ay ang medical abstract/certificate (original or certified true copy); hospital bill/laboratory requests /reseta, at valid ID. Para naman daw sa mga gustong mag-avail ng burial assistance, kailangang magsumite ng valid ID; certified true copy death certificate; certified true copy funeral contract; at promissory note mula sa punerarya.

Ganyan kadali kumuha ng ayuda o tulong mula kina Deputy Speaker Robbie at Board Member Randy.

Mabuhay po kayo, mga bossing, at God bless!

136

Related posts

Leave a Comment