Dizenyo.PH: Bunga ng determinasyon at passion

Bizzness Corner

MAGALING talaga dumiskarte ang Pinoy, may kasabihan nga tayo, pag gusto may paraan. Kagaya ni Mr. Zen Mandap, sa totoo lang, zero ang sinimulan niya, kung ano lang meron sa paligid at kung ano meron, doon siya nagsimula.

Ayon sa kanya, sining ang hilig niya. “Passion ko, ang laging hinahamon ko, ang aking sarili na maging mas makabago pagdating sa mga disenyo. Siguro may personal akong relasyon sa kliyente. Hindi ko man sila kilala nang personal, sinisigurado ko na subukan ko silang kilalanin mula sa kanilang personality hanggang sa kanilang lifestyle at kanilang ugali.

Naniniwala ako na mahalagang kilalanin sila nang husto para ma-access ko ang kanilang mga pangangailangan at pananaw. Para malapat ko ito sa aking disenyo na ginagawa namin.

Dinidisenyo namin ang espasyo, hindi lang aesthetically ngunit tinitiyak namin na mayroon itong layunin . Kailangan ang pagiging innovative at adaptability. Sa ngayon, 8 years na ang kumpanyang Dizenyo.PH.

Mula sa pagiging espesyalista sa mga kaganapan, ngayon ay isa nang matagumpay na interior designer.

Sa ganitong larangan ng negosyo, kailangan handa ka maging risk taker. Kunin ang lahat ng pagkakataon upang maging matagumpay.

Pero sa totoo lang, ideally at least dapat meron kang capital na P300 at walang katapusan pag-aaral at focus, hands on, ika nga.

 

173

Related posts

Leave a Comment