DOH, FDA AT IVERMECTIN

0

ALAM nyo po sa Japan kapag may pag-alinlangan sa kakayanan ng isang namumuno o public officials kaagad silang nagreresign.

Ganyan po kataas ang kredibilidad ng mga naitatalagang opisyal sa bansang Japan.

Pero dito po sa Pilipinas, sobrang kakapal ng mukha ng ilang mga government officials. Kapit-tuko sa kanilang puwesto kahit marami na ang nananawagan upang magbitiw sila sa kanilang puwesto dahil sa kanilang mga kapalpakan.

Gamitin ko lang yung salita o pahayag ng dating walang silbing Pangulo ng bansa, ito po yon ” SAAN KAYO KUMUHA NG KAPAL NG INYONG PAG-MUMUKHA” para manatili pa sa inyong puwesto.

Yan pong salitang yan ay ipinatutungkol ko po kina Department of Health (DOH) Secretary Francisco Duque III at Food and Drug Administration Director ­General Eric Domingo dahil sa kapalpakan ng kanilang pamumuno.

Akala ko noon ­makabayan ang mga taong ito katulad ni Pangulong ­Rodrigo Duterte na naglagay sa kanila sa mga ­naturang puwesto, na ginagawa ang lahat para sa bayan, pero nagkamali ako! Sila pala ay parang mga Makapili na ang sasarap latiguhin! Hindi ba???

Ano kayang mayroon at kailangan pa nilang siraan yung gamot na Ivermectin? Gayung maraming mga duktor at mga scientists na ang nagpapatunay na safe ang pag-inom ng naturang gamot.

Lagpas na rin pala sa dekada na ito ay iniinom ng mga tao, dahil nakakapagpalayas pala ito ng mga parasite o bulate at iba pang bacteria sa katawan ng tao.

At naniniwala ang mga naturang mga duktor at scientists na nakakatulong ito para sa paglaban sa ­COVID-19 batay narin sa kanilang ginawang pag-aaral.

Subalit sa pahayag nina Domingo at Duque, ang Ivermectin daw ay wala pang patunay na nakakagaling sa COVID-19 at ang naturang gamot daw ay pang hayop lang! Ay naku, mapapamura ako sa inyo!!!

Ayaw nina Domingo at Duque na ipareseta ng mga duktor sa kanilang pasyente na may COVID-19 ang Ivermectin dahil para lang daw sa hayop ang naturang gamot.

Pero ang nasabing gamot pala ay mahigit na sa dekada na ipinaiinom sa mga taong may bacteria kahit noon pang panahon ni dating Pangulong Ferdinand Marcos at maging sa panahon ng pinakamagaling na Health Secretary na si ­dating Senador Juan Flavier.

Bakit pagdating sa FDA at DOH sa halip na bigyang pansin ito ay puro paninira pa ang ginagawa ng mga namumuno ng mga ­naturang ahensya?

DG Domingo at Sec. Duque anong mayroon sa remdesivir at siya ninyong isinusulong gayung ang bawat turok pala ng ­naturang gamot ay libo-libo ang ­halaga?

Samantalang ang Ivermectin ay 35 pesos lang ang isang tableta na bago masundan ay tatakbo pa ang tatlong linggo bago sundan ang pag-inom.

Mayroon ba kayong milyon-milyong katuwiran Dir. Domingo at Sec. Duque upang siraan at huwag maireseta ng mga duktor ang Ivermectin?

Sige magpaliwanag kayo upang huwag kayong mabuntunan ng galit ng taong bayan kaugnay ng kinakaharap natin ngayong krisis.

Kakainis ang mga ito! Di pa ba kayo bundat na hanggang sa ngayon ay natatakpan pa rin ang inyong mga paninindigan ng mga kumikinang na dolyares.

Tinatakot pa ng mga ito ang mga duktor na tatanggalan nila ng lisensya kapag nagreseta ng Ivermectin sa kanilang mga pasyente na may COVID-19.

Hindi daw kasi ­nakarehistro ang ­naturang gamot sa FDA gayung nagpaso lang naman pala ang registration nito na ang kailangan lang ay i-review at pagkatapos ay aksyunan ninyo!

Wala na nga kayong nagawang solusyon sa kinakaharap nating pandemya ay nagiging hadlang pa kayo sa posibleng gamot laban sa COVID-19.

Sinasabi pa nitong si Dir. Domingo ng FDA na kailangan daw mag-apply ng mga duktor para sa “compassionate use” upang makapag­reseta ang mga ito ng Ivermectin sa kanilang pasyente na may COVID-19.

Eh di patay na ang mga naturang pasyente bago pa kayo maka aksyon o inyong aprubahan ang ­pagproseso ng aplikasyon na yan!? Tinamaan kayo ng ewan!!! Sir!!!

Bakit bagong gamot ba yan Dir. Domingo?? Hindi na diba? Apatnapung taon na yang ginagamit at iniinom ng tao! Pagkatapos katuwiran ninyo kailangan pang iparehistro!! Ay talaga naman pag dika naman mapapaewan sa mga ganyang katuwiran ng mga namumuno ng isang ahensya kagaya ni Domingo!!

Sigurado ko naman na hindi utak butiki itong si Director Domingo para di mo maunawaan ang sinasabi ng maraming mga duktor, ano kaya sa palagay mo?

Siguro kung mahal mo at pinahahalagahan ang iyong dignidad ay mas mabuting huwag kana kapit tuko sa puwesto kasama na si ­Secretary Duque. Hindi kayo nakakatulong sa taong bayan kundi pahirap pa kayo at walang silbi sa bayan.

Sino ba talaga ang ­pinaglilingkuran ninyo ang taong bayan o ang mga malalaking pharmaceuticals company?

Kaninong kapakanan ba talaga ang inyong iniisip sa inyong panunungkulan? Taong bayan ba o ang inyong sarili?!!! At taging sarili lang ninyo at wala ng iba!!!

Congressman Mike Defensor paki-latigo mo nga yang sina Dir. Domingo ng FDA at DOH Sec. Duque, dahil buti kapa nauunawaan mo kung ano ang kinakaharap nating krisis ngayon. Hindi katulad ng dalawang yan na akala ko ­makabayan mukhang makabayad yata??! Haaay naku.

Ingat nalang po kayo mga “KA-SAKSI”dahil napakahirap ng sitwasyon natin ngayon. Mukhang matatagalan pa raw tayong makatanggap ng mga bakuna dahil mayroon yatang problema sa mga susunod na delivery ng bakuna pero huwag po kayo mag-alala dahil di po tumitigil ang Duterte administration para makakuha tayo ng mga bakuna.

 
"COMMENT DISCLAIMER: Reader comments posted on this Web site are not in any way endorsed by SAKSI NGAYON. Comments are views by saksingayon.com readers who exercise their right to free expression and they do not necessarily represent or reflect the position or viewpoint of saksingayon.com. While reserving this publication’s right to delete comments that are deemed offensive, indecent or inconsistent with SAKSI NGAYON editorial standards, SAKSI NGAYON may not be held liable for any false information posted by readers in this comments section."

Related posts

Leave a Comment