DOK GEE LUMBAD AT CONG. AMANTE NAGPAULAN NG AYUDA

DI KO GETS ni ANDREW CAYANONG (GUEST COLUMNIST)

WALANG tigil si Dra. Geleen “Dok G” Lumbad sa paghahatid ng serbisyo sa kanyang nasasakupan.

Mahal na mahal ni Dok G ang mga taga-Distrito 3 na kanyang pinaglilingkuran.

“Madalas po ang pagsama ng panahon at kamakailan lamang ay nagkaroon po ng smog. Mas dobleng pag-iingat po ang kailangan lalo na sa ating kalusugan,” paalala niya sa mga taga-distrito.

Dahil mahalaga sa kanya ang kalusugan ng mga residente, ang #TeamDOKG ay tuloy-tuloy na nagbibigay ng buwanang supply ng maintenance at vitamins sa mga taga-District 3.

Kabilang sa pinakahuling mga pinuntahan nila ay ang Brgy. Old Balara noong Setyembre 22.

Namahagi rin sila ng libreng sapatos sa mga estudyante mula sa Brgy. Bagumbayan noong Setyembre 12.

“Cuteness Overload ang mga bata at nakaka-inspire ang kanilang mga ngiti,” sabi pa ni Dok G kaya’t laging kumakalat sa social media ang #SerbisyongDOKG.

Ang mga taga-ibang distrito naman ay talagang napapa-sanaol na lang.

Samantala, tuloy-tuloy rin ang serbisyo ni Cong. Loreto “Amben” Amante sa kanyang nasasakupan sa ikatlong distrito ng Laguna.

Kamakailan nga, pinangunahan niya ang Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) payout distribution.

Nasa 1,000 solo parents beneficiaries ng ikatlong distrito ng lalawigan ang nabiyayaan ng ayuda sa event na ginanap sa San Pablo City Multipurpose and Convention Center.

Sa pangunguna nina Cong. Amante, Department of Agriculture Region 4A Executive Director Milo D. Reyes at Concurrent City Agriculturist Arthur Almario, at Mayor Vicente Amante, ay naipamahagi naman ang agricultural intervention para sa mga magsasaka ng lungsod sa San Pablo Central School Gymnasium.

Kung hindi ako nagkakamali, nasa P1.1 milyong halaga ng fertilizer discount vouchers ang natanggap ng 51 rice farmers habang P284,000 halaga naman ng corn seeds ang naipamahagi sa 80 corn farmers at P300,000 halaga ng seeds, fertilizers at equipment para naman sa Barangay Communal Garden project.

Sinasabing dumalo rin sa aktibidad sina San Pablo City Secretary to the Mayor Kristin Ann Picazo, Ms. Annie Buco ng APCO, at mga kinatawan mula sa Department of Agriculture (DA).

Mabuhay po kayo, mga bossing, at God bless!

54

Related posts

Leave a Comment