MGA PRAYORIDAD NI VP SARA BILANG DEPED SECRETARY, INILATAG

TARGET NI KA REX CAYANONG

Mas tututukan ng Department of Education (DepEd) ang mga guro, mag-aaral, at maging ang imprastraktura upang tugunan ang mga hamon sa basic education system ng bansa.

Ito ang patuloy na isusulong ni Vice President Sara Duterte sa ilalim ng kanyang termino bilang DepEd Secretary.

Sabi nga ni VP Sara: “Tututukan natin ang mga teachers, learners, at ang ating school infrastructures.”

Kamakailan ay dumalo siya sa awarding ceremonies ng Aklan’s Ten Outstanding Mentors (ATOM) na ginanap sa Augusto B. Legaspi Memorial Sports and Cultural Complex kung saan niya isiniwalat ang kanyang mga magiging prayoridad.

Aba’y gagawin niya ngang prayoridad ang mga benepisyo para sa guro, paglago ng mga mag-aaral, at rehabilitasyon at rekonstruksyon ng school infrastructure sa ilalim ng kanyang liderato bilang kalihim ng ahensya.

Ang DepEd at ang Government Service Insurance System (GSIS) daw ay mayroon nang “ongoing commitment” para sa monthly update sa deliverables sa implementasyon ng mga benepisyo para sa teaching at non-teaching staff.

Siyempre, nakikipag-ugnayan din ang DepEd sa Department of Health (DOH) para tiyakin na ang mga empleyado ng ahensya “enjoy free health checkups.”

Ang DOH naman daw ay “very welcoming and truly receptive” ukol sa pagtanggal ng bayad ng teachers’ check-ups mula sa kanilang P5,000 allowance. “Pinapakiusapan po namin at patuloy ang pakikipag-dayalogo namin sa Department of Health na gawing libre ang checkup ng teachers,” paglalahad ni VP Sara.

Maliban dito, aba’y nire-review na rin daw pala ang K to 10 at Grades 11 to 12 curriculum. Sa ganitong paraan daw ay matitiyak na magiging “employable” sa iba’t ibang sektor at industriya ang mga graduates.

Hindi maitatanggi raw na layunin ng K to 12 na magkaroon ng pagkakataon ang basic education graduates na hindi tumuloy sa kolehiyo at agad nang makapagtrabaho sa anumang industriyang pipiliin nila.

Kung maaalala nga naman, nakiusap si VP Sara sa business sector na ikonsidera ang pagtanggap sa Grade 12 graduates upang mas mabigyan ng oportunidad sa trabaho ang mga Pinoy.

Nariyan nga naman ang “diploma mentality” sa bansa, batay na rin daw sa pahayag ng Commission on Higher Education (CHED).

Good job po, VP Sara, at Mabuhay po kayo!

18

Related posts

Leave a Comment