DOUBLE MURDER VS KILLERS NINA LAPID, VILLAMOR

PRO HAC VICE Ni BERT MOZO

INIIMBESTIGAHAN na ng Department of Justice o DOJ ang posibilidad na maaaring “murder” ang magiging kaso sa kamatayan ni Jun Villamor, ang nasawing inmate ng Bilibid at sinasabing ­”middleman” sa pagpatay sa mamamahayag na si Percy Lapid.

Sa ambush interview kay Justice Sec. Jesus Crispin Remulla, sinabi ng kalihim na hindi lamang iisang murder case ang pinag-uusapan, dahil may posibilidad na ang pagkasawi ni Villamor ay maaari ring murder case.

Inihayag naman ng kalihim na walong “person of interest” na ang nasa kustodiya ng DOJ, at nagsasagawa na rin aniya ng malalimang pagsisiyasat, at ang ibang pangalan aniya ay nabanggit sa “dying declaration” ni Villamor. Ang iba naman ay mula sa “tips” ng mga impormante.

Samantala, inilabas na ng independent forensic pathologist na si Dr. Raquel Fortun ang resulta ng kanyang isinagawang autopsy sa katawan ng nasawing umano’y middleman sa pagpatay sa radio broadcaster na si Percival Mabasa o Percy Lapid.

Si Dr. Fortun ang independent pathologist na nagsagawa ng ikalawang autopsy sa katawan ng nasawing si Jun Villamor.

Unang sumalang sa autopsy ng NBI si Villamor na nasundan ng re-autopsy ni Dr. Fortun noong October 26.

Kabilang sa naging findings ni Dr. Fortun, ang pagkamatay ni Villamor ay hindi sa pamamagitan ng natural causes.

Base sa pathological diagnosis ni Fortun – malinaw ang history ng asphyxia by plastic bag suffocation- ibig sabihin ginamitan ng plastic bag si Villamor o sinakluban siya ng plastic bag sa ulo dahilan para hindi ito makahinga.

Nadiskubre rin sa katawan ni Villamor ang presensiya ng ­methamphetamine hydrochloride o shabu – base naman ito sa preliminary urine toxicology na isinagawa sa nasabing inmate.

Sabi ni Dr. Fortun – base sa mga impormasyon ito – homicide ang paraan ng pagkamatay ni Villamor.

Pero ayon kay Sec. Remulla, ang pagkamatay ni Villamor ay hindi aksidente, kundi isang pinagplanuhang kamatayan.

Samantala, inanunsyo din ni Sec. Remulla na mayroon pang pitong bagong persons of interest sa Percy Lapid killing at nasa kustodiya na aniya ito ng mga awtoridad.

Iba pa ito sa walong persons of interest na una nang inanunsyo ni Sec. Remulla at ng PNP.

Kumbinsido si Sec. Remulla na malapit nang matapos ang kasong ito ng pagpatay kay Lapid.

Bagama’t tumanggi na muna ang kalihim na tukuyin ang mastermind o masterminds sa krimen.

Subalit asahan na umano ngayong linggong ito ay maisasampa na ang kaso laban sa mga utak sa pagkamatay nina Percy Lapid at Jun Villamor at mahububaran na rin ng maskara ang ito ay mapapanagot sa batas at tuloy mabigyan ng hustisya ang pagpatay kay Percival Mabasa o Percy Lapid.

25

Related posts

Leave a Comment