DSWD, PITMASTER FOUNDATION MAGKATUWANG SA PAGTULONG

SABONG ON AIR Ni KA REX CAYANONG

TULOY-TULOY sa pamamahagi ng tulong ang Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Nabatid na tumanggap na ng educational assistance ang 153,315 mag-aaral sa una at ikalawang Sabado.

Sinasabing may kabuuang P387.9 milyon na ang naipamahagi ng DSWD sa buong bansa para sa nasabing ayuda.

Nitong Agosto 27 na ikalawang Sabado ay 79,747 beneficiaries nationwide ang nabigyan ng ayuda o P199.6 milyong halaga ng cash aid.

Ang pinakamalaking pondo ay napunta sa 26,704 college/vocational beneficiaries na may halagang P106.6 milyon.

Nasa P33.9 milyon naman ang napunta sa 11,286 senior high school beneficiaries habang P34.4 milyon sa 17,254 high school qualified applicants.

Naibuhos din ang P24.5 milyon sa 24,503 elementary students.

Hindi rin tumitigil ang DSWD sa pamimigay ng tulong sa mga apektado ng kalamidad katuwang ang ilang ­organisasyon tulad ng ­Pitmaster Foundation, Inc.

Kamakailan, mismong si Sec. Erwin Tulfo ang nagpasalamat sa foundation at sa iba pang mga kaibigan dahil sa halos 200 tents na idinonate nito sa ahensya para sa mga nasalanta ng sakuna.

Ayon kay Tulfo, ang ­modular tents ay kasyang ­tulugan ng 4-5 katao at ito ay water resistant.

Noong Agosto 1, namahagi rin ang Pitmaster ng dalawang units ng land ambulance at 144 wheelchairs sa DSWD.

“When hospitals are far from affected areas, ambulances provides the crucial first aid service until full medical treatment can be administered. In many cases, preventable deaths can occur if a hospital is not around. This is why Pitmaster Foundation decided that this will be our way of supporting ongoing response efforts in North Luzon,” ayon sa statement ng foundation.

“Pitmaster Foundation Exec. Director, Atty. Caroline Cruz, promised to continuously support Secretary Tulfo as he completes his directives from President [Bongbong] Marcos.”

Saludo po ako sa inyo, mga bossing.

God bless and more power!

172

Related posts

Leave a Comment