ELECTRONIC TICKETING SYSTEM SA MGA PORT SA BANSA ILARGA NA

PRO HAC VICE ni BERT MOZO

PANAHON na upang gawing digitalized ang ticketing ng mga puerto sa ating bansa.

Kung sakaling matuloy ang naturang panukala ng PHILIPPINE PORTS AUTHORITY O (PPA) na magsagawa ng PILOT-TESTING sa kanilang electronic ticketing system sa mga pantalan sa bansa ay malaking ginhawa ito para sa mga mananakay ng mga sea vessels sa Pinas.

Dapat lang na sumabay na sa pagtaas sa antas ang mga puerto ng bansa dahil halos lahat naman ay ginagamit na ang mga makabagong pamamaraan ng mga pagbili ng mga ticket sa mga pang-publikong sasakyan.

Kahit nga sa mga bangko ay ginagamit na rin ang internet sa pag-withdraw at pagdeposito ng pera ng mga kliyente ng mga bangko kaya dapat lamang na sabayan na ng PPA ang makabagong pamamaraan ng pagbili ng ticket sa mga puerto na nasa ilalim ng kanilang pamamahala.

Nauna nang sinabi ni PPA General Manager JAY SANTIAGO, na hiniling ng PROVINCIAL GOVERNMENT ng Sorsogon na maipatupad sa puerto ng MATNOG ang naturang sistema sa kadahilanang malaking bilang ng mga pasahero at turista ang inaasahan namang dadagsa sa kanilang puerto dahil na sa parating na mga bakasyon at holidays.

Paliwanag pa ni GENERAL MANAGER SANTIAGO, mayroon ding kahalintulad na problema na maaaring mangyari sa mga puerto ng Batangas at Calapan sa ORIENTAL MINDORO.

Dagdag pa ni GM Santiago, ito ang nakikita nilang mainam na solusyon upang mapagaan ang pasanin ng mga mananakay sa tuwing paparating ang mahahabang bakasyon ng mga mag-aaral at mga empleyado ng pribado o ng pangpubliko man.

Kaugnay nito, nakikipag-ugnayan na ang PPA sa mga shipping lines kaugnay sa E-TICKETING IMPLEMENTATION.

Samantala, magandang balita rin na bumaba sa labing-siyam (19) na porsiyento ang Index o talaan ng nangyayaring krimen sa BANSA.

Nakasaad sa datos na simula noong Enero hanggang Pebrero a-kinse ngayong kasalukuyang taon ay mas mababa ang kaso ng mga pagpatay, panghahalay o rape, pagnanakaw, physical injuries at iba pa, kung ikukumpara sa kahalintulad na mga buwan noong taong 2022.

AYON KAY PNP CHIEF P/GEN. RODOLFO AZURIN JR., tanda ito na patuloy na napapaganda ng mga otoridad ang PEACE AND ORDER sa bansa, sa kabila ng serye ng mga pananambang sa ilang lokal na opisyal ng pamahalaan.

Binigyang diin naman ni PNP Chief Azurin, hindi tumigil ang kanilang hanay at tukoy na aniya ng SPECIAL INVESTIGATION TASK GROUP ADIONG, ang mga suspek sa pananambang kay Lanao Sur Governor Mamintal Adiong at inaasahang sa lalong madaling panahon ay maaaresto ang mga kriminal at mapapanagot ang mga ito sa batas.

Kabilang aniya sa hindi tinitigilan ng PNP ay ang paghahabol sa mga suspek sa pananambang at pagkakapatay naman kay APARRI CAGAYAN Vice Mayor ROMMEL ALAMEDA at kay Mayor OHTO MONTAWAL ng Datu Montawal sa MAGUINDANAO DEL SUR.

150

Related posts

Leave a Comment