ENGR. MARCELO NAWALAN NG TRABAHO KAYA NAGTAYO NG SUN PATH SOLAR POWER ENT.

Bizzness Corner ni Joy Rosaroso

MARAMING naglabasan na mga solar company, ‘yung iba ay mula sa invention habang ‘yung iba, bumili ka lang papakabit lang then pwede na.

Pero iba itong SUN PATH Solar Power Ent. na pagmamay-ari ng isang engineer sa katauhan ni Roman Marcelo. Nag-umpisa ito nang ma-dissolve ang solar company na pinapasukan niya at doon na nga naisipan niya na magsarili dahil ito ay related sa kanyang propesyon. Dito na nga naitatag Ang SUN PATH Solar Company Ent.

Si Marcelo ay Electrical Engineer kaya nahahanay sa larangan ng enerhiya. Very challenging aniya ang pagso-solar. Tatlo lang aniya sila nang magsimula at ‘yung mga tao nila ay puro project base.

Ano ba ang kaibahan ng SUN PATH sa ibang solar company? Ang pagkakaiba raw nila ay ang pagiging transparent sa bawat client na maibigay ang 100 percent na serbisyo at kung ano ang gusto ng client nila.

Naniniwala raw sila sa kasabihan na “Costumer is always right.” Naitatag ang SUN PATH Solar Company Ent noong 2017 at located sila sa Santa Rosa, Laguna.

Sa anim na taon nila sa industriya ay wala naman silang na-encounter na nagreklamong client when it comes to issues and money back jobs.

Sa ganitong negosyo ay kailangan skilled ka, well equipped technically kagaya rin ng mga itinuturo nila sa kanilang programa.

Madali lang mag-install ng solar pero how equipped they are pagdating sa aspeto ng engineering? May mga bagay na makokompromiso if hindi ka equipped technically at kailangang honest ka sa client mo.

Kwento pa ni Engr. Marcelo, nag-start sila sa capital na 50K at ito ‘yung mga ipinang-ayos ng documents.

Sa mga taong gustong pasukin ang ganitong larangan ng negosyo, importante ‘yung design at technical perspective ng project at patuloy na pag-aaral, pag-attend ng seminars training plus Webinar, dapat mag-participate ka rin.

Kailangang tuloy-tuloy ang pag-aaral sa negosyong ito dahil napakabilis ng transformation at development ng solar technology.

209

Related posts

Leave a Comment