EPEKTO NG PAG-UUGALI

KAALAMAN Ni MIKE ROSARIO

MARAMI sa atin ang sobrang sipag, marami rin sa atin ang magaling, pero minsan, bakit tila mailap sa atin ang tagumpay?

Mga tanong na lagi kong iniisip noon, kapag ako’y nag-iisa, maraming nagsasabi, Mike, attitude problem.

Noong una, nainsulto ako, isa ako sa mga tao na ang pakiramdam ko ay magaling na ako.

Ang tingin ko sa sarili ko ay marami akong alam pero minsan, may narinig ako, sabi niya, walang kwenta ang iyong galing kung ‘di mo kaya palakihin at paangatin ang buhay mo, ang sarili mo.

Kaya kung isa ka sa katulad ko noon, halika at pag-aralan mo ang prinsipyo na siyang nagpabago ng buhay ko.
BE GLAD principle.

Belief – napakahalaga nito ‘pag nagsisimula ka sa isang trabaho lalo na ‘pag negosyo, kailangan mo muna mai-align ang puso at utak mo.

Kailangan mo mapagsama ‘yan, dapat ma-feel mo na ikaw ay happy at naniniwala ka sa ginagawa mo… belief in the ­company, kailangan talaga ‘yun para makapag-create ka ng ­raving fan… belief in the products, siyempre mahirap din ‘yun na iba ang binebenta mo sa ginagamit mo.

Belief in the products, napakahalaga na alam na alam mo ang produkto mo, dapat ginagamit mo sa pang araw-araw, kaya kung kulang pa ang paniwala mo, kailangan pang mapalakas sa pamamagitan ng pag-a-align ng puso mo sa utak mo.

Belief, ‘wag mo isantabi ‘yan kung gusto mong kumita lalong-lalo na sa industriya ng direct selling and siyempre above all ay ang paniniwala natin na ang Diyos ay laging nakaantabay sa atin
Enthusiasm – Marami ang nagsasabi na ito ay inihahalintulad nila sa isang apoy, nag-aapoy, naglalagablab na pagkagusto, pagnanasa na gawin ang isang bagay sa pamamagitan ng unang pagkasabik na ­ipagsabi at ikwento ang isang bagay.

Nailalabas mo na ang iyong ginagawa ay galing sa isang ­advocacy or passion.

Mahalaga na bago ka lumabas ng bahay ay happy ka at maayos ang aura mo… at siyempre ‘yung enthusiastic mo na makita nila ‘yung ginagawa mo, at ramdam mo na may future ka…
Gratitude – ito pinakamasarap na gawin sa lahat pero napakahirap bigkasin, kasalanan ito ng mga magulang natin, tinuruan lang tayo na magpasalamat kay ninang o ninong kapag may ibinigay sila.

Anak, pasalamat ka kay ninong kasi may ibinigay, paano kung walang ibinigay?

Anyway, gusto mong mapraktis ang magpasalamat, unahin mo nang matutunan magpasalamat sa mga bagay na walang buhay.

Salamat sa short mo at natatakpan ang privacy mo, salamat sa unan at maayos ako nakatulog, salamat sa kutsara at ‘di ako napaso.

Napakaraming bagay na dapat mong pasalamatan at ‘pag lagi mo ginagawa ‘yan, maging hobbies mo na ‘yan at sigurado na ‘yan ang isa sa magiging daan ng iyong tagumpay…

BELL – ‘yan ang nagpapatunog sa taas ‘pag lagi kang nagpapasalamat, mabuburyong ‘yung bell.

Sasabihin ng Panginoon, sino ba itong laging nagpapasalamat na ito? Bell, kapag lagi kang nagpapasalamat, isang senyales ‘yan na ikaw ay taong mabuti.

Sa bawat bagay na ikaw ay nagpapasalamat, sa totoo lang, napakaraming bagay tayong nakalilimutan pagpasalamatan, napakahalagang matutunan ‘yan at isapuso.

Law of attraction… Abangan!

oOo

Para sa ano mang reaksyon, tumatanggap po tayo ng suhestiyon, mag-text lamang sa cell# 0939-168-3316.

130

Related posts

Leave a Comment