EXCELLENT FOOD SOLUTIONS INIREKLAMO SA AMIN

RAPIDO NI TULFO

KARAMIHAN sa atin ay naghahangad ng maayos na pagkakakitaan kaya nga nang makita ng investors ang social media post ng Excellent Food Solutions ukol sa kanilang negosyong Hungry Box, ay marami ang naengganyo dito.

Ayon sa isa sa mga lumapit sa amin na nag-invest ng pera sa Hungry Box food franchise na si Rudy Donunggo, ay talaga namang maeengganyo ang mga makakikita ng FB post ng Excellent Food Solutions dahil makulay raw ang mga larawan ng Hungry Box food carts or kiosk at mukhang maayos naman daw ang delivery ng food supply ayon sa seminar na kanilang pinuntahan.

Pero ito raw ang kabaligtaran sa kanilang nararanasan matapos na bayaran nila ang franchise fee ng Excellent Food Solution na pag-aari raw ni Marvin Oppus.

Ito ang inilahad sa amin na mga reklamo laban Excellent Food Solutions.

– Non-issuance of Official receipt on Franchise fee.

– No marketing support or advertising support.

– Chaos in delivery of supplies and replenishment.

– Unstable product line-up and pricing.

– Management is not responsive to calls or texts.

– Unachievable Return-of-Investment or ROI.

– Sub-standard construction of stores (outlets) and incomplete delivery of operational equipment.

Ayon sa dalawa pang complainants na sina Jhocel Rubion at Jerry Razon, ilang beses na raw nilang nakausap si Marvin Oppus na pulos pangako lang ang binibitiwan sa kanila na aayusin ang mga reklamo.

Sa amin namang panayam sa programa kay Marvin Oppus, CEO ng Excellent Food Solutions, idinahilan nito ang tumamang pandemya sa bansa kaya nagkaroon daw ng problema sa delivery ng serbisyo at supplies sa franchises.

Itinanggi din nito sa ere na mahirap silang makontak at hindi sumasagot sa mga nagrereklamo at bilang katunayan ay binanggit nito na ang pinakahuling meeting sa mga nagrereklamo ay sa kanyang opisina upang pakinggan ang kanilang mga hinaing.

Kinontra naman ng complainants ang pahayag na ito ni Marvin at sinabing totoo nga ang meeting pero wala naman daw nangyari sa mga napag-usapan. At nais na lang daw ng mga ito na maibalik na lang ang kanilang puhunan na kanilang pinaghirapan.

Abangan ang aksyon na gagawin namin laban kay Marvin Oppus at Excellent Food Solutions.

224

Related posts

Leave a Comment