EXCITED SA KANYANG PAGBABALIK

EARLY WARNING

Excited ang mga residente ng Lungsod ng Malabon sa pagbabalik ni Congresswoman Jaye Lacson-Noel bilang kanilang kinatawan sa Kongreso dahil batid nila na sobrang malapit ang huli sa kanila, very accessible ika nga, well kaya naman siya’y kanilang muling iniluklok sa puwesto.

Bukod sa marami s’yang naisabatas na may interes-nasyunal noong s’ya pa ang nasa Mababang Kapulu­ngan, ‘di maikakatwa na halos ganun din ang dami ng kanyang mga naging akda kung saan mismong mga tagalungsod ang direktang nakinabang.

“Maraming salamat sa muling pagsuporta upang ako’y maibalik sa Kongreso. Sa inyong muling pagtitiwala, isusulong ko ang mga batas at programa na siyang makatutulong sa inyo mahal kong Malabonians. Bilang inyong kinatawan, mahalagang malaman ko ang mga pangangailangan ninyo mula sa bawat barangay,” ani Congw. Jaye sa isa sa kanyang pagbisita sa isang barangay.

“Sa aking panunungkulan, sisikapin ko kasama si Mayor Lenlen Oreta, Vice Mayor Ninong Dela Cruz at ang buong #TeamPamil­yangMalabonian na gawin pang mas maunlad, mas maganda ang Lungsod ng Malabon.”

‘Burahin ang nega’

Mismong sa pinakaunang araw nang makasalamuha ni Quezon City Mayor Joy Belmonte ang mga opisyal at empleyado sa city hall ay kanyang kinausap ang mga ito na isantabi na ang politika at sa halip ay magkaisa na.

“Ang aking hinihingi sa bawat isa ay pagkakaisa. Kasi isa lang naman ang gusto nating gawin, gusto lang naman nating umusad, umunlad ang ating lungsod.”

Dagdag pa niya, “Let’s all start the new administration with a happy, joyful heart, burahin ang nega at wala nang negative feelings, wala nang partisan. We are just one big happy family. Please, if you have any negative thoughts and opinion keep them to yourself, breathe in, breathe out, after five minutes happy na ulit kayo. Let’s have a wonderful next three years in Quezon City.”

Nagpasalamat din siya kay dating Mayor Bistek Bautista dahil naging cooperative ito at naging maayos ang paglilipat ng poder at naging maayos ang takbo sa city hall.

Kasiyahan ang t’yak na namutawi sa mga kawani dahil nangako si Mayor Joy na gawin nang regular ang mga deserving contractual workers lalo iyung matagal na sa serbisyo at doon naman sa may kulang sa academic requirements ay kanyang aatasan ang personnel department na magsagawa ng isang programa upang sila ay matulungang makumpleto ito ayon sa isinasaad sa Civil Service Act.  (Early Warning / ARLIE O. CALALO)

150

Related posts

Leave a Comment