FAKE NEWS SA QC KAPIT LANG

HINDI makapaniwala ang mga taga Quezon City sa balitang inilabas mismo ng City Hall na pangalawa raw si Mayor Joy Belmonte sa may pinakamataas na approval rating sa lahat ng mga alkalde sa Metro Manila.

Ito ay base sa naging resulta kamakailan ng isinagawang survey ng isang kumpanya na kung tawagin ay RP Mission and Development Foundation, Incorporated.

Sa nabanggit na survey ay nanguna si Pasig City Mayor Vico Sotto na may approval rating na 86 percent. Pangalawa si Mayor Joy Belmonte na nakakuha ng 80 percent rating. At pumangatlo si Yorme Isko Moreno ng Maynila sa rating na 78 percent.

Hindi makapaniwala dito ang  maraming mga taga-QC. Sabi nga ng isang kapwa mamamahayag na residente sa lungsod, Ano ang mission? Ano ang ‘K’ mag-survey? Sino ang officers at members? At magkano kaya ang ibinayad ni Mayor sa nabanggit na survey firm?

Alam ng marami na sa buong panahon ng lockdown ay isa si Mayor Belmonte sa nakatikim ng maraming batikos dahil sa diumano’y mabagal at kulang-kulang na ayuda at pag-aksyon sa pangangailangan ng mga taga QC.

Baka naman bumawi na si Mayor ng i-akyat na sa GCQ ang Metro Manila at itinuwid ang mga naging pagkakamali na dapat ayusin sa kaniyang liderato sa City Hall?
Sana nga ay ganun nga ang ginawa ni Mayor Belmonte.

oOo

Bagito at old timers sa Metro Manila.

Isang taon na rin pala ang nakalipas at mahigit isang taon na simula ng iluklok natin sa pwesto ang mga tumakbo sa eleksyon noong 2019 elections.

Meron sa kanila ay mga bagito sa pwesto at yung iba naman ay mga old timers na lalo na sa pagka-alkalde.

Kapansin-pansin ang pagi ging popular sa tao ni Mayor Vic o Sotto ng Pasig City gayundin si Yorme Isko Moreno ng Maynila. Bagito sila sa pagka-alkalde kaya mataas ang kumpiyansa sa kanila ng kanilang mga constituent.

Bagito rin si Mayor Belmonte pero dismayado sa kaniya ang nakararaming mga taga-QC.  Halos kapareho niya si Mayor Emmy Calixto-Rubiano na kulang na lang ay isuka ng mga taga-Pasay City.

Yung iba naman, nanana tiling steady at suportado ng taumbayan gaya nina Marcy Teodoro ng Marikina, Rex Gatchalian ng Valenzuela, Edwin Olivarez ng Paranaque, Jaime Fresnedi ng Muntinlupa, Carmelita Abalos ng Mandaluyong at Abby Binay ng Makati.

Dahil seasoned politician naman ni Toby Tiangco, kaya safe na safe ang mga taga-Navotas. Si Lenlen Oreta naman ng Malabon ay tuloy lang din sa pagse-serbisyo.
Ang mga bagito na dapat magpakitang gilas ay sina San Juan Mayor Francis Zamora na mas nakilala ng publiko sa pakikipag-away sa pamilya Estrada at ang pagpuslit niya papuntang Baguio City sa panahon ng pandemya.

Hindi rin halos naririnig si Lino Cayetano ng Taguig dahil sapaw na sapaw siya ng kaniyang Kuya sa exposure na si House Speaker Alan Peter Cayetano. Mas matunog din ang pangalan sa kaniya ni Mayor Miguel Ponce ng katabing bayan ng Pateros dahil sa magandang performance sa panahon ng ECQ.

Sa mga gurang naman na alkalde sa Metro Manila, wala pa rin maaasahan sa kanila. Siguro ay panahon na upang mag-isip ang taumbayan na palitan na ng tuluyan sa pwesto ang gaya nina Imelda Aguilar ng Las Pinas at Oca Malapitan ng Caloocan.

Ngayong panahon ng pandemya dulot ng COVID-19, make or break ito sa ating mga halal na opisyal ng gobyerno. Pagkakataon ito para sa kanila na i pakita ang husay sa pagiging l ider, pagmamahal sa tao at pagtulong sa mga nangangailangang mga kababayan.

Halos dalawang taon pa at muli tayong sasabak sa halalan. Sino-sino sa mga nabanggit kong pangalan ang mananatili at sino rin sa kanila ang iiitcha-pwera ng taumbayan. Abangan, kapit lang!
Note: Hindi po fake news na tinamaan ng covid si Mayor Joy Belmonte ng QC. Magpagaling po kayo.

66

Related posts

Leave a Comment