FILIPINO RESILIENCY

ISA sa mga hinahangaan ng ibang bansa sa Pinoy ay ang katatagan sa lahat ng pagsubok o ‘yung tinatawag sa ingles na “Filipino resiliency”.

Walang pagsubok na hindi nalalagpasan, na hindi kailangan ang lahat ng tulong mula sa gobyerno dahil alam nila na limitado ang naibibigay ng pamahalaan sa panahon ng kanilang paghihirap.
Kapag panahon ng ­kalamidad tulad ng naranasan ng mga kababayan natin sa Visayas at Mindanao dahil sa bagyong Odette, nandyan ­naman ang ­gobyerno… ­medyo mabagal na nga lang… sa pagbibigay ng ayuda.

Pero may limitasyon ang tulong ng gobyerno. ­Ilang araw na pagkain lang ang naibibigay. Ilang yero at ­construction materials para magkaroon ng bubong ang mga nawalan ng bahay dahil sa bagyo.

Hanggang doon lang ang kayang ibigay ng pamahalaan dahil hindi nila kayang gastusan kung ipagtatayo ng bahay ang mga nawalan ng bahay at hindi sila kayang pakainin hanggang sa makabangon sila nang tuluyan.

Alam naman ng mga tao ‘yun kaya kanya-kanyang ­diskarte na lang ang ginagawa nila para makabangon sila sa pinagdaanang pagsubok. Nagpapakatatag na lang sila dahil wala namang ­

mangyayari kung iaasa na lang nila ang lahat sa pamahalaan.

‘Yan ang tinatawag na Filipino resiliency. Hindi ­inaasa sa gobyerno ang lahat para sa kanilang pagbangon. Kailangan nilang magpakatatag dahil hindi nila puwedeng iasa ang lahat sa pamahalaan.
Sa ibang bansa, lahat ay inaasa ng kanilang mamamayan sa kanilang pamahalaan.

Kahit ang pag-aaral ng mga bata, ang pagpapagamot nila ay sagot ng kanilang ­gobyerno at kapag nagkaroon ng kalamidad ay naka­alalay ang kanilang pamahalaan sa kanila hanggang ­makabangon.

Iilang bansa lang naman ang gumagawa niyan lalo na ‘yung mga mayayaman pero ang mga tulad natin na hindi alam kung kailan aasenso nang tuluyan, limitado ang naitutulong ng estado sa kanyang mamamayan na ­sinalanta ng kalamidad.

Pero sana, hindi naman porke alam ng pamahalaan natin na matatag ang Pinoy sa lahat ng uri ng pagsubok ay hindi na sila gumagawa ng paraan para matulungan ang mga taong biktima ng kalamidad hanggang sa sila’y makabangon.

Ginagampanan naman ng mga tao ang kanilang responsibilidad sa gobyerno tulad ng pagbabayad ng tamang buwis, pagsunod sa mga batas at polisya ng estado kaya nararapat lamang na suklian ito.

Huwag din sanang inaasa ng gobyerno ang kagyat na tulong sa bayanihan ng mga Pinoy. Kailangan sigurong unahan ng gobyerno ang mga taong nagbabayanihan sa panahon ng kalamidad dahil ang karaniwang nangyayari, laging huli sa pagtulong ang estado.

100

Related posts

Leave a Comment