FIXERS SA LTO ‘DI MAUBUS-UBOS

0

KAMAKAILAN, nagsagawa ng entrapment operation ang Anti-Red Tape Authority (ARTA) laban sa Land Transportation Office (LTO) Main Office, sa East Avenue, Quezon City.

Ito’y makaraang makumpirmang mayroong fixer sa LTO mula sa pagpayag ni ARTA Director General Jeremiah Belgica na i-renew ang kanyang lisensya sa isang fixer sa LTO Main Office.

‘Yun daw ay parte ng kanilang entrapment operation.

Kasama ng ARTA ang Philippine National Police – Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) sa entrapment operation, kaya natimbog ang fixer nang ihatid niya ang lisensya ni Belgica.

Dahil sa pangyayaring ito, iniimbestigahan nila kung ang fixer na nahuli ay may kasabwat na empleyado ng LTO.

Hindi makagagalaw ang fixer sa loob ng bakuran ng LTO kung wala siyang ka-sabwat na mga empleyado ng opisina na ‘yan.

Ang ginagawang liseniya ng fixer ay pawang peke.

Maraming tao ang naniniwala na talagang marami ang fixers sa mga LTO offices tulad na lamang sa LTO Zabarte Satellite Office sa kanto ng Commonwealth Avenue at Quirino Highway sa Novaliches, Quezon City.

Kahit na ang mga sasakyan na nasa stop light sa kanto ng Commonwealth Avenue at Quirino Highway na nasa tapat ng LTO Zabarte Office ay inaalok ng napakaraming fixers ng ­driver’s license, ­magrerenew ng lisensya at rehistro ng kanilang sasakyan.

Napagalaman ng PUNA mula sa National Bureau of Investigation (NBI) na may ­fixers na may “LTO ­Assistance” ads online na gumagawa ng pekeng lisensya.

Matatandaan na minsan nang sinopresa ni Pangulong Rodrigo Duterte ang LTO Main Office para malaman kung gaano karami ang fixer.

Ilang linggo lang ang lumipas ay bumalik uli ang fixers sa LTO Main Office.

Suhestiyon ng PUNA kay LTO Chief Edgar Galvante ay unahin niya ang kanilang mga empleyado na supilin para tuluyang mawala ang ­fixers sa kanilang bakuran.

Kahit anong huli nila sa fixers kung patuloy na may kasabwat silang empleyado ng LTO ay hindi mawawala ‘yan at magiging papalit-palit lang ‘yan.

Hindi lingid sa kaalaman ng mga tao na kahit saang LTO Satellite Office ay may fixers.

Ang pineperwisyo ng mga fixer na ito ay ang mga tao na kanilang biktima.

oOo

Para sa reaksyon at suhestiyon, mag-email joel-2amongo@yahoo.com at magtext sa cel# 0919-259-59-07.

 
"COMMENT DISCLAIMER: Reader comments posted on this Web site are not in any way endorsed by SAKSI NGAYON. Comments are views by saksingayon.com readers who exercise their right to free expression and they do not necessarily represent or reflect the position or viewpoint of saksingayon.com. While reserving this publication’s right to delete comments that are deemed offensive, indecent or inconsistent with SAKSI NGAYON editorial standards, SAKSI NGAYON may not be held liable for any false information posted by readers in this comments section."

Related posts

Leave a Comment