FREE MEDICAL CONSULTATION NI DOK G LUMBAD AT PARANGAL NG DILG SA PANIQUI LGU

SABONG ON AIR Ni KA REX CAYANONG

TULOY-TULOY ang paglilingkod ni Dok G Lumbad sa kanyang nasasakupan.

Kahit abala na siya sa kanyang tungkulin bilang isa sa mga miyembro ng Sangguniang ­Panlungsod, walang tigil ang handog niyang free medical consultation at iba pang serbisyo para sa mga taga-Quezon City.

Bukod nga pala sa libreng online consultation, may handog ding mga libreng gamot katulad ng maintenance at vitamins si Dok G para sa kanyang mga ka-distrito.

Marami kasing nanga-ngailangan ng medical ­assistance sa kanilang lugar.

“Dahil sa sakit na diabetes, ­inoperahan at pinutol ang kaliwang paa at binti si Tatay Noel Del Rosario. Wish niya ang magkaroon ng wheelchair para magamit niya sa pagtatrabaho bilang maintenance support sa isang simbahan. Malaking tulong daw ito para patuloy niyang mataguyod sa pag-aaral ang kanyang dalawang anak,” wika ni Dok G.

Nag-ikot din siya sa kanyang nasasakupan noong Undas kung saan pinasaya niya ang mga bata.

“Ang Undas ay para din po sa mga bata. Kaya ang #TeamDOKG ay nakisaya sa Halloween Party ng Brgy. Ugong Norte na ginanap sa Corinthian Gardens Clubhouse. Namahagi po kami roon ng bottled water at treats katulad ng lollipop at candies,” dagdag pa ng magandang doktora.

Samantala, ilang buwan pa lang sa kanyang puwesto si Mayor Leonardo Max Roxas ng Paniqui, Tarlac ay nakatanggap agad ng parangal ang lokal na pamahalaan mula sa Department of Interior and Local Government (DILG).

“Nabigyan na naman po ng parangal ang ating bayang Paniqui ng DILG para sa Seal of Good Local Governance ngayong taon,” ayon sa statement ng LGU.

Siyempre, ito ay dahil sa mahusay na liderato at magaling na pamumuno ng ama ng bayan na si Mayor Roxas.

Katuwang niya rin sa pagsisilbi sa bayan ang masipag na si Vice Mayor Bien Roxas, kasama rin ang mga Sangguniang Bayan members at mga kawani ng pamahalaang bayan ng Paniqui.

Ramdam na ramdam ng mamamayan ang pamumuno ni Roxas.

Dahil para sa lahat ang Halloween, maagang pinasaya ng mga batang mag-aaral ng Gabaldon Elementary School si Mayor Roxas.

Pinuntahan siya ng mga bata sa kanyang opisina suot-suot ang kanilang mga nakatutuwang Halloween costumes para sa trick or treat nila sa kanilang lolo meyor.

Sa isang pahayag, sinabi naman ng LGU na “natuwa naman ang kanilang lolo Mayor Max sa ginawa nilang sorpresa at nagbigay siya ng maagang pamasko para sa mga bata kasama na rin ang kanilang mga magulang.”

Alagang-alaga talaga ni Mayor Roxas ang kanyang nasasakupan.

Kamakailan ay labis na saya naman ang namutawi sa mga labi ng mga batang daycare sa Paniqui.

Ito’y matapos matanggap ang munting regalong barbie doll mula kina Mayor Max at VM Bien.

Halos lumipad sa labis na saya ang mga paslit.

“Ito ang ipinangako sa kanila nina Lolo Mayor Max Roxas at Ate Vice Mayor Bien Roxas na bibigyan ng pamaskong regalo ang mga mag-aaral ng daycare sa Paniqui, Tarlac. At tinutupad [nila] ang pangakong ‘yan,” dagdag ng LGU.

Aba’y sa pagkakaalam ko, lahat ng mga bata sa bayan ay magkakaroon ng regalo o pamasko mula kina Mayor Max at VM Bien.

Gustong-gusto ng mag-amang Roxas na nakikita ang matamis na ngiti ng mga bata sa kanilang bayan.

Mabuhay po kayo, mga bossing, at God bless!

20

Related posts

Leave a Comment