Ayoko na rin sanang makisawsaw rito sa isyu ni Greg ‘aka Gretchen’ Diez kaya lang ‘di ko na rin mapigilan dahil itong si Gregorio na nag-aambisyon pang pumasok sa politika na nag-umpisa lang sa toilet issue, aba’y feeling VIP ang dating at tila gusto n’yang ang marami ang mag-sakripisyo sa kanyang ginustong kalagayan.
‘Di naman maipagkakailang normal na tao itong si Gregorio pero pinili n’ya kung ano s’ya nga-yon, eh bakit kailangang ang iba ang mag-adjust? Ano’ng gusto n’ya special treatment, sinus’werte ka!
Sabi nga ng isang ne¬tizen, kung may dapat bigyan ng special treatment ay itong mga pinanganak na may mga kapansanan. ‘Di nila pinili ‘yun. Wala silang magagawa. They are born with disabilities. Walang taong gustong ipanganak ng bulag, lumpo o may kapansanan. I guess they are ones who need special treatment.’
Gregorio, dapat mong isipin na mas may nakararami pang tao ang dapat ding magtamasa ng kanilang karapatan at prebilehiyo pero sa kanila ‘yung tunay at tama lang, pinili mo ang ganyang buhay, just enjoy and live with it!
Una pa rin ang serbisyo para sa Malabonians
Hindi naman nagkamali ang mamamayan ng Malabon sa kanilang desisyong ibalik bilang kanilang kinatawan itong si ‘always smiling’ Congresswoman Jaye Lacson-Noel na naitalagang Deputy Majority Leader ng 18th Congress dahil kahit noong pansamantalang nawala s’ya sa puwesto ay kanyang pinagpatuloy ang paglilingkod lalo sa mga mahihirap sa lungsod.
“Gagawin ko ang lahat sa abot ng aking makakaya upang gampanan ang a¬king tungkulin at responsibilidad para sa Malabon at para sa kapakanan ng bawat isa,” ani Congw. Jaye na kamakailan lang ay nakipagpulong lalo kay DSWD Regional Director Vincent Gregorio Tomas lalo sa isyu at concerns sa assistance na kanyang ipinaaabot sa mga nabiktima ng sunog, indigents, relief, 4Ps, at seniors social pension payout.
Atin ding napag-alaman na kanyang lalong pinalawak ang programa sa educational, medical at burial assistance at sinigurong mabilis ang proseso upang mabilis na makamtan agad ng mga residente ang kanilang pangangailangan.
S’yempre pa, hindi n’ya maipagkakailang malaking bagay ang partnership nila ni Mayor Len-len Oreta at ang city council sa pangunguna ni Vice Mayor Bernard ‘Ninong’ dela Cruz kaya siguradong un-interrupted at ‘unli’ ang serbisyo sa Malabonians. (Early Warning / ARLIE O. CALALO)
237