GIRIAN NG RUSSIA AT UKRAINE, US NAGHAHANDA?

PATULOY na naghahanda ang mga militar ng magkabilang panig ng Russia at Ukraine na posibleng pagmulan ng pagsiklab ng digmaan ng dalawang bansa.

Ang Moscow na kilalang kabisera ng Russia ay inihahanda ang kanilang mga sundalo at mga armas panggiyera.

Kapuna-PUNA na sa boundary ng dalawang bansa ay makikita sa mga international television na parehas mainit ang mga sundalo ng magkabilang.

Bagama’t nakatutok na ang mga baril ng mga sundalo ng Russia sa mga sundalo ng Ukraine ay wala naman dalang mga armas ang huli, maliban sa kanilang bandera.

May akusasyon laban sa Russia na gusto nitong sakupin ang ilang bahagi ng Ukraine.

Kung babalikan natin ang history ng Russia at Ukraine, ay isa lamang sila sa ilalim ng Union of Soviet Socialist Republics (USSR).

Binuo ni Vladimir Lenin ang Ukraine na kilalang founder ng USSR.

Humiwalay at nagsarili ang Ukraine noong 1991 matapos mawasak ang USSR na sumama sa East Slavic language family na naging official state language nila.

Kung tutuusin ang Russia at Ukraine ay iisa lang ang lahi na ngayon ay hindi nagkakaunawaan at naggigirian na ­posibleng humantong pa sa digmaan.

Ang nangyayari ngayon sa Russia at Ukraine ay halos ganun din ang history ng South at North Korea na iisa lang ang lahi subalit tuluyang nagkahiwalay.

Posible bang makaapekto sa Pilipinas ang hindi pagkakaunawaan ng Russia at Ukraine?

Bagama’t malayo ang Russia at Ukraine sa Pilipinas ay posible pa rin tayong maapektuhan.

Ang Estados Unidos ay naghahanda na raw ang walong libo (8K) nilang sundalo at anumang oras ay magpapadala sa Ukraine ng kanilang tropa kung sakaling sumiklab ang putukan sa pagitan ng magkabilang panig.

Ang Amerika ay kilalang kaalyado ng Pilipinas at ang Russia ay kilala namang kakampi ng China.

May nangangamba namang mga Pilipino na baka umabot sa West Philippine Sea ang sigalot sa Russia at Ukraine.

Subalit may mga nagsasabi naman na ang Russia partikular si President Vladimir Putin, ay itinuturing na kakampi ng Pilipinas dahil kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Kaya malayong madamay ang Pilipinas sa sigalot ng dalawang bansang ito.

Maliban lang kung ang sigalot ng Russia at Ukraine ay lumaki at humantong sa World War 3, siguradong damay ang Pilipinas.

Ipagdasal na lang po natin, na ‘wag nang lumaki ang sigalot sa pagitan ng Russia at Ukraine.

Hirap na nga tayo sa dulot ng COVID-19 tapos susundan na naman ng digmaan.

Saan pa tayo pupulutin niyan? Lord kayo na po ang bahala sa Russia at Ukraine.

oOo

Para sa suhestiyon at reaksyon, mag-email sa joel2amongo@yahoo.com o mag-text sa cell# 0977-751-1840.

119

Related posts

Leave a Comment