GIVE THANKS

HOPE ni Guiller Valencia 11/14/24

“IN everything give thanks: for this is the will of God in Christ Jesus concerning you.” 1 Thessalonians 5:18 (KJV)

Ngayong araw ay sesentro ang ating pagtalakay tungkol sa pasasalamat.

Isa sa mga hinahangaan ko kay Apostol Pablo ay ang kanyang pahayag at pangaral na,” In everything gives thanks…” Alam natin na si Apostol Pablo ay isang edukado at mataas ang tungkulin sa gobyerno ng Romano at namumuhay nang marangya at iginagalang bago niya nakatagpo ang Panginoon JesuCristo sa daan ng Damasco. Mula noon ay naging tagasunod at masugid na tagapangaral siya ng Mabuting Balita ng Panginoong Jesus.

Nawala sa kanya ang karangalan at kasaganaan dahil sa pangangaral ng Mabuting Balita. Na dati siya’y tagausig ng mga mananampalataya kay Kristo at ngayon siya ang inuusig ng mga Romano. Bukod pa roon ay nakaranas siya ng iba’t ibang pagsubok at kahirapan; tulad ng paglubog ng barko niyang sinasakyan, pagkagat sa kanya ng ulupong, hinagupit ng mga sundalong Romano, at pagkabilanggo.

Sa kabila ng ganitong karanasan, nagawa pa rin niyang ipangaral na, “In everything give thanks…”

Ganito rin ang naging saloobin ni Haring David, lagi siyang nagpapasalamat sa dakilang Diyos.

Sa Psalms 35:18, “I will give thee thanks in the great congregation: I will praise thee among many people.”

Samantala, si Haring Hezekiah ay nagtalaga ng mga priest at Levites para sa gawaing maghandog ng peace offerings, “To minister and to give thanks, and to praise in the gates of the tents of the Lord.” (2 Chronicles 31:2)

How about us? Naging gawi ba nating magpasalamat sa tuwi-tuwina? Maybe, sa panahon lang kung tayo’y may tinatanggap na biyaya. Subalit, kung pakikinggan natin si Apostol Pablo, sinasabi niya na sa anomang kalagayan ay magpasalamat.

“In everything give thanks…” and “Rejoice in the Lord, ye righteous; and give thanks at the remembrance of his holiness.” Psalms 97:12 (KJV) (giv777@myyahoo.com)

27

Related posts

Leave a Comment