IPINAG-UTOS ng Philippine Competition Commission (PCC) sa Grab Philippines na magmulta ito ng P16.15 million dahil sa sobrang singil sa mga tumatangkilik sa kanila.
Ang P14.15 sa P16.15 million ay kailangang i-refund sa kanilang mga pasahero na siningil nila nang sobra.
December 13, naglabas ang antitrust body base sa kanilang audit report ng independent monitoring trustee Smith & Williamson.
Minonitor nila ang si-ngilan ng Grab hanggang Agusto 10.
Ang P14.15 million ay para sa kanilang “extraordinary deviation” mula sa kanilang pangakong pres-yo.
Pinatawan din ang Grab ng P2 million para sa exceeding driver cancellations.
Ang P14.15 million ay ibabayad sa riders’ GrabPay wallets na hindi lalagpas ng Pebrero 10, 2020.
Ang P2 million administrative penalty ay ibabayad sa PCC.
Ang Grab Phils. ay pinagmumulta ‘for every quarter in the initial undertaking of its commitments: P11.3 million sa first quarter, P7.1 million sa second quarter, at P5.05 million sa third quarter’.
Tanong po ngayon ng mga tumatangkilik sa Grab kung paano sila makikinabang sa sinasabing refund na ito.
“Sir, bakit po nagagawa ng Grab ‘yan, wala po bang batayan ang gobyerno kung hanggang magkano ang limit ng singilan nila?”, ‘yan ang tanong ng mga tumatangkilik sa Grab
Kailangan pong pag-aralang mabuti ng gobyerno kung ano ang kanilang gagawin para hindi sila nalulusutan ng mga ganitong klaseng pang-aapi sa taumbayan.
“Hindi naman po nila magagawa ‘yan kung walang nasa likod nila na kanilang sinasandalan at ipinagmamalaki”, banggit pa ng isang madalas na sumasakay sa Grab.
Ibig sabihin mas safe pang sumakay sa taxi lalo na “yung may mga resibo kasi nakikita kung tama ang binayaran ng pasahero.
Binibigyan po natin ng pagkakataon ang Grab Phils. na maaari silang sumagot sa ating isinulat.
oOo
Para sa suhestiyon at reaksyon mag-email sa joel2amongo@yahoo.com//operarioj45@gmail.com (Puna /JOEL O. AMONGO)
251