GRUPONG WALANG KASIYAHAN

‘YAN na naman sila! Nagra-rally na naman at ang sinasabi nila ‘yon daw ay para sa bayan!

‘Yang mga grupong ‘yan din, ang nagpasimula ng mga black propaganda at sumira sa sana’y magandang kalalagyan na ng ating bansa.

Kung ating babalikan ang kasaysayan ng bansa, sila ang maituturing na salot ng lipunan dahil kahit kailan, wala silang kasiyahan dahil ang lagi nilang nais ay i-overthrow ang gobyerno at sila ang mamuno sa bansa.

Lagi nilang isinisigaw ang kapayapaan pero sila mismo ay hindi ‘yon ang kanilang nais dahil wala na silang dinala sa ating bansa kundi kaguluhan.

Pati si running priest Robert Reyes ay nag-asta na ring si Padre Damaso na sa halip na kapayapaan ang ipangaral sa taong bayan, siya pa mismo ang nagpapasiklab sa kaguluhan na ginagawa ng ilang kabataan sa harapan ng Comelec.

‘Di ba ang dapat, Father ROBERT REYES, ikaw ang ­manguna sa kapayapaan at hindi ka maging daan sa pagkakawatak-watak ng mga Pilipino?! At lalong higit sa lahat marunong rumespeto sa kagustuhan ng nakararami.

At ‘yon iba namang mga Padre Damaso ay ginawa pang santa si VP Leni Robredo sa kanilang prusisyon, kinilabutan ako sa mga ginagawa ng mga Padre Damaso, tila yata sinasapian sila ng masamang espiritu.

Isa pa itong si Madam Vice President Leni Robredo, noong si BBM ang naghain ng kanyang election protest sa Korte ­Suprema dahil sa malawakang dayaan, ay ito ang mga katagang nagmula kay Robredo! Ang sabi niya noong January 20, 2020:

“KARAPATAN NG KAHIT SINO ANG TUMAKBO. PERO DAPAT LAHAT NA TATAKBO, TATANGGAPIN IYONG ­RESULTA NG ELEKSYON, KASI KUNG TATAKBO KA, HINDI MO TATANGGAPIN, EH HUWAG KA NANG TUMAKBO.”

Bakit ngayon naiba na ang sinasabi mo. Mahiya naman sana kayo sa mga pinagsasabi ninyo, ikalawang pangulo ka pa naman ng bansa! Dapat ikaw mismo ang manguna sa ‘yong mga supporter na maging mapayapa na tanggapin na ang kinahinatnan ng nakaraang halalan, at hindi ‘yung may mga pahaging pa kayong pananalita na nag-uudyok sa mga kabataan upang maghimagsik.

At kayong mga kabataan naman na iskolar ng bayan na pinapag-aral naming mamamayan ng Pilipinas, ano mga ­nangyayari sa inyo? May panawagan pa kayo na school ­walkout?! Hindi na kayo nahihiya sa mga nagpapaaral sa inyo! Kaming mga Pilipino, mula sa aming buwis kaya kayo ­nakapag-aaral nang libre, kung talagang gusto ninyong mag-walk out at ayaw n’yo nang pumasok, bilisan n’yo lang at nang mapalitan kayo ng mga kabataang nais ding makapag-aral nang libre sa mga unibersidad na inyong pinapasukan.

Sabagay kung kayo mismo ‘di na ninyo kayang alamin ang iyong pagkatao, kami pa kaya ang pakikinggan ninyo?!

Gusto ninyo lang pala maging welgista, bakit ‘di n’yo ­nalang ibigay ‘yung mga slot ninyo sa mga kabataan o mag-aaral na nais makapagtapos ng edukasyon, at kayong mga gustong magwelga nang magwelga araw-araw, diyan na kayo manirahan sa lansangan upang magawa n’yo ang kabaliwan ninyo.

Ito pa nga pala, para doon sa mga babaeng journalist na ­inupakan ng batikang broadcast journalist na si Ginoong Jay Sonza sa kanyang Vlog, may panahon pa upang makabawi kayo, kilala kayong parehas sa inyong paghahatid ng balita pero dahil lang sa hindi nanalo ang pinapaboran ninyong kandidato eh naiiba na kayo sa paghahatid ng balita, anong nangyari?!

Dahil ba sa mando ng inyong pamunuan dahil sa mayroon silang iniingatang sekreto na maisisiwalat o mabubulgar kapag nanalo si BBM?

60

Related posts

Leave a Comment