HINAHANGAAN SI KAP EDWIN AVILLA NG BRGY. CUPANG, ANTIPOLO CITY

TARGET NI KA REX CAYANONG

MARAMING humahanga kay Kap Edwin F. Avilla ng Brgy. Cupang, Antipolo City, Rizal.

Super sipag kasi ng mama at talagang ginagawa ang lahat para sa kapakanan ng kanyang nasasakupan. Ayaw niyang may maiiwan at lahat ay pinaglilingkuran.

“Ginanap ang panunumpa sa katungkulan ng newly elected officers ng Hillfront Homeowners Association Inc. ng Purok 1, Zone 8 na pinangunahan ni Punong Barangay Edwin Avilla,” ayon sa isang pahayag ng barangay.

Nabatid na kasama rin sa dumalo ang ilan sa mga kawani ng Barangay Cupang na sina HR Head Maricor Eniceo, BPSO Chief Rheigan Oliverio, Kuya Nyel Fuentes at Sanitation Head Enchong Zapanta.

“Maraming Salamat po sa patuloy na pagtitiwala at pakikiisa sa serbisyong handog ni [Kap Edwin], makakaasa po kayo na tuloy-tuloy ang dekalidad na serbisyo tungo sa mas progresibong Barangay Cupang,” dagdag pa nito.

Kamakailan naman, ginawaran ng Certificate of Appreciation ang medical social workers ng Amang Rodriguez Hospital.

Ito’y bilang pagkilala raw sa kanilang hindi matatawarang serbisyo na ipinagkaloob sa mga pasyente ng tumaob na sasakyan noong nakaraang Pebrero 18 lamang.

Ayon sa barangay, “Iginawad ang parangal na pinamahalaan ng BSWD Head Mr. Quintin “Mamang” Cagara at Sanitation Department Head Zapanta at Punong Barangay Edwin.”

Wala ring tigil ang Barangay Cupang Serbisyo Caravan ni Kap Edwin. Talagang nahahatiran ng serbisyo ang lahat.

Ang mga residente ng Sierra Vista, P. Oliveros, Elmars, Bakero at Sulucan ang kanilang pinakahuling sinugod noong Marso 3. Hinatiran sila ng serbisyo ng caravan ng barangay. Lahat ng mga nagtungo sa Sierra Vista Covered Court ay masaya dahil natulungan sila ng pamunuan ni Kap Edwin.

Kabilang sa mga serbisyo sa caravan ay ang dental checkup, libreng gamot at vitamins, immunization para sa mga sanggol, MR/OPV sa mga batang kulang sa bakuna (2 years old below), libreng clearances, barangay clearance, residency, solo parent certification, at indigency.

Nagsasagawa rin ang Brgy. Cupang sa pangunguna ni Kap Edwin, ng road cleaning, fogging/misting, registration, namamahagi ng PWD ID, senior citizens ID, solo parent ID, registration at printing ng temporary national ID, libreng gupit, libreng masahe at bayanihan.

Kaya saan ka pa? Ang mga programa at serbisyong ito ay handog ni Punong Barangay Edwin F. Avilla at ng buong barangay.

Mabuhay po kayo at God bless!

278

Related posts

Leave a Comment