“HINDI KAMI NURSE” – IMMIGRATION OFFICERS

UMAARAY at nananawagan ang ilan sa Immigration officers na nahaharap pa rin sa kaso kaugnay sa kanilang pagkakasangkot sa pinulitikang Pastillas scheme kuno kung saan sila ngayon ay nakararanas pa rin ng ­diskriminasyon sa kanilang mismong tahanan.

Matapos na makasuhan at masuspinde sa serbisyo ay hinarap ng Immigration officers ang kanilang kaso at karamihan sa mga ito ay nasa floating status hanggang ngayon.

Ngunit tila bangungot ngayon ang kanilang kinakaharap sa mismong ahensya kung saan ilan sa kanila ay itinapon sa Admin office at ang ilan naman ay sa medical unit ng BI.

Sino kaya ang nag-utos na sila ay ilagay muna pansamantala sa medical unit ng ahensya. Mayroon bang diskriminasyon dito o talagang sinadya itong gawin upang sila’y insultuhin?

“Ang aming job descriptions ay Immigration officers at hindi kami nurses, ano ang gagawin namin sa clinic?” Ito ang sigaw ngayon ng mga tauhan ng BI na basta na ­lamang itinapon sa isang sulok na tanggapan ng ahensya.

Bukod sa hindi magandang trato umano sa kanila ay tila isang kontrabida naman sa pelikula ang ilang opisyales sa medical unit ng ahensya na lalong gumigipit umano sa kanila at tila nakahanap ng kakampi itong opisyal ng BI Clinic kung saan ay nagsumbong umano ito sa kanyang kamukha na si Commissioner Jaime Morente na siya ang kausapin kung may problema ang mga ito sa kanya? Wow naman ang sweet noh?

Alam kaya ni DOJ Secretary Menardo Guevarra ang sitwasyon ng Immigration officers na ito? ­Matatandaang ipinagtanggol ni Secretary Guevarra kay Pangulong Rodrigo Duterte ang mga nasangkot sa kontrobersya, sila ay nasa ilalim ng Civil Service kung kaya’t hindi sila maaaring sibakin sa serbisyo hangga’t hindi ­napatutunayang guilty sa ano mang Court of Law.

Para sa inyong sumbong at reaksyon, maaaring i-text ako sa 09158888410.

(ANG mga ipinapahayag sa kolum na ito ay ­sariling opinyon ng sumulat at hindi ­saloobin ng pahayagang SAKSI Ngayon – Patnugot)

111

Related posts

Leave a Comment