LALO pang tumaas ng isang porsyento (1%) sa pinakahuling survey ng OCTA research ang rating na nakuha ni dating Senador Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. (BBM) na inilabas kamakalawa.
Dalawang araw bago ang eleksyon sa Lunes, May 9 national and local elections, si BBM ay nakapagtala ng survey rating na 58%, samantala si Leni Robredo ay 25%.
Pangatlo sa survey si Manila Mayor Isko Moreno na may 8%, sumunod si Manny Pacquiao na may 5%, Ping Lacson na may 2%, Ernesto Abella, 1%, pareho sina Faisal Mangondato at Leody de Guzman na may tig 0.2%.
Base sa survey na isinagawa sa 2,400 respondents sa buong bansa, napanatili ni Marcos ang kanyang malaking lamang na 33% sa kanyang pinakamalapit na katunggali na si Robredo na nakakuha lamang ng 25% voters preference.
Napanatili rin ni BBM ang kanyang malaking lamang sa lahat ng lugar sa bansa matapos itong magtala ng 46 porsyento sa NCR; 59 porsyento sa Balance Luzon; 62 porsyento sa Visayas; at 56 porsyento sa Mindanao.
Si BBM na standard bearer ng PFP din ang nanguna sa lahat ng socio economic class na nakakuha ng 53% sa Class ABC; 60% sa Class D; at 54% sa Class E.
Mayroon lamang 0.4% ng respondents ang hindi sumagot sa tanong kung sino ang kanilang iboboto.
Samantala, si Vice Presidential candidate Inday Sara Duterte-Carpio ay nakakuha ng 56% rating sa vice-presidentiable survey laban kay Senate President Vicente “Tito” Sotto na may 22%.
Matatandaan na si Marcos ay nauna nang nakakuha ng 57% vo-ters preference sa survey ng OCTA Research nooong Abril 2 hanggang 6.
Katulad ng inaasahan, nasa malayong pangalawa rin si Robredo na may 22%, Isko Moreno, 9%; Manny Pacquiao, 7%, at Ping Lacson, 4%.
Noong Mayo 2, namayagpag din si Marcos matapos makakuha ng 56% sa pinal na survey ng Pulse Asia na isinagawa sa 2,400 respondents noong Abril 16-21.
Nakapagtala rin ng 56% voters preference si Marcos sa March survey ng Pulse Asia at nanatili ring nangunguna sa 33% kalamangan kay Robredo na umiskor lamang ng 23 porsyento, mas bumaba pa ito ng 1% kumpara sa kanyang 24% rating noong Marso.
Malayong pangatlo naman si Pacquiao na may 7%, habang ika-apat si Moreno, na mayroong 4%, at Lacson sa ika-limang pwesto na may 2%.
Ayon sa ilang political experts, posibleng umabot pa sa 70% ang survey ratings ni BBM hanggang Lunes, May 9.
Pinapayuhan ng PUNA ang lahat ng mga botante na bago sila magpunta sa mga eskuwelahan na kung saan nandun ang mga botohan ay maglista sila ng mga pangalan na dapat nilang iboto.
Kabilang sa mga dapat iboto ay ang president, vice president, senators, party-list, congressman, governor, vice governor, city mayor, municipal mayor, city councilors, at municipal councilors.
Kaya po natin pinapayuhan na maglista ang mga boboto sa Lunes ay para hindi na sila mahirapan pagdating sa mga eskuwelahan kung saan sila nakarehistro.
Mag-ingat din po ang mga botante sa mga panlilito dahil kamakailan ay may lumabas na tarpaulin sa social media kung saan nakalagay si BBM sa numero 10, subalit ang totoo niyang numero ay 7.
Mag-ingat po tayo sa mga ganitong klaseng panggugulo dahil ito po ay sinadya para guluhin ang kandidatura ni BBM.
Nauna nang binato ng kung ano-anong putik si BBM simula pa lamang nang malaman na tatakbo siyang presidente.
Subalit wala namang epekto ang mga ito, sa halip ay lalo pang lumakas sa survey si BBM.
‘Pag nagkataon, si BBM ang kauna-unahan sa kasaysayan ng Pilipinas na magiging “majority president”.
Ngayon araw ang huling miting de avance ng BBM-Sara UniTeam sa may Solaire Hotel sa Macapagal Avenue na inaasahang dadagsain ng milyong katao.
oOo
Para sa suhestiyon at reaksyon mag-email sa joel2amongo@yahoo.com at mag-text sa cell# 0919-259-59-07.
731