IBA’T IBANG TULONG AT SUPORTA PINAULAN NI GOV. HELEN TAN

TARGET COLUMN NI KA REX CAYANONG

SA patuloy na pagsisikap na mapabuti ang kalidad ng buhay ng bawat mamamayan, isang taos-pusong pasasalamat ang ipinarating ni Gov. Helen Tan kay Pangulong Ferdinand Marcos sa kanyang walang kapantay na kontribusyon sa lalawigan ng Quezon.

Aba’y sa tulong ng kanyang administrasyon, natanggap ng lalawigan ang mahigit P15 milyong halaga ng agricultural inputs para sa ating mga magsasaka, 56 na fiberglass boats para sa ating mga mangingisda, at livelihood projects para sa kababaihan at mga magsasaka.

Isang patunay ito na ang gobyerno ay tunay na nakikinig sa pangangailangan ng ating mga kababayan at naglalaan ng mga kinakailangang suporta upang mas mapabuti ang kanilang kalagayan. Higit pa rito, naglaan din si Pangulong Marcos ng pinansyal na tulong para sa mga benepisyaryo ng TUPAD at AICS.

MALAWAKANG MEDICAL MISSION SA LUCENA CITY

Ipinagmalaki natin ang matagumpay na medical mission na isinagawa sa Brgy. Cotta, Lucena City.

Sa ilalim ng ating programa na Lingap sa Mamamayan, Libreng Gamutan, 4,115 na Lucenahins ang nakinabang mula sa serbisyong medikal na ito. Taos-pusong pasasalamat ang ipinaabot ni Gov. Tan sa kanilang mga naging katuwang sa paglilingkod, partikular kay Doc Kim Tan at sa iba pang volunteer doctors na sa kabila na araw ng Linggo, pinili pa rin nilang maglingkod para sa ating mga kababayan.

QUEZON EDUCATORS’ RESEARCH CONVENTION

Isang makabuluhang kaganapan ang naganap noong Setyembre 14, 2024, sa pagsasagawa ng Quezon Educators’ Research Convention na dinaluhan ng 5,982 public school teachers mula sa Lucena City at 3rd District. Ang Provincial Government ay nagbibigay ng pagpapahalaga sa lahat ng mga guro sa lalawigan, kinikilala ang kanilang mahalagang papel sa paghubog ng buhay ng mga kabataan at sa pag-unlad ng edukasyon sa ating komunidad.

PANUNUMPA NG MGA BAGONG KASAPI NG NPC

Pormal namang nanumpa bilang kasapi ng Nationalist People’s Coalition (NPC) noong Setyembre 15, 2024 sina Anthony “Kuya Piwa” Lim at iba pa sa pangunguna ni Gov. Tan. Ang NPC ay kilalang partido pulitikal na kinabibilangan nina Tan at Cong. Mark Enverga.

Kasama sa panunumpa ang mga dating konsehal ng lungsod ng Tayabas na sina Jerry Caagbay, Maphet Jacela, at Mercy Reyes, pati na rin ang kapitan ng Barangay Isabang Tayabas na si Kap Zaldy Valencia, at ang butihing manugang ni Doctor Avelino Obispo na si Mrs. Ana Rabuel Obispo.

Ang dating bise alkalde ng lungsod ng Tayabas, si Nick Abesamis, at ang mga kasalukuyang konsehal ng Tayabas—sina Farley Abrigo, Wenda Saberola, Phaula Nadres, Filemon Villanueva, at Riza Mae Llaneta—ay matagal nang kaalyado at kapartido nina Gov. Tan at Cong. Enverga sa NPC.

Ang kanilang dedikasyon sa mga programang Serbisyong Tunay at Natural (STAN) at Sulong Pa More Quezon ay naglalayong maghatid ng tunay na serbisyo sa bawat mamamayan.

Sa lahat ng mga hakbangin at suporta na ipinamigay, patuloy na umaasa at nagtatrabaho ang pamahalaang panlalawigan upang ang Quezon ay magpatuloy sa mas mataas na antas ng pag-unlad.

32

Related posts

Leave a Comment