IBOYKOT ANG CHAMPION, HANA AT CALLA!

KAKAMPI MO ANG BAYAN TEDDY

Kamakalawa, Hulyo 2, ay nag­hain ng mga panukalang resolusyon ang Makabayan bloc sa Kongreso upang imbestigahan ang nangyaring madugong dispersal, paglabag sa labor code, at iba pang pagsaling sa karapatan ng mga manggagawa ng Peerless Manufacturing Corporation o Pepmaco.

Ang Pepmaco ay ang kompanyang gumagawa ng sabon tulad ng Champion, Hana, at Calla na may pabrika sa Canlubang, Laguna.

Iniangal ng mga manggagawa ang labor-only contracting sa kanilang hanay, mahahabang oras ng trabaho, at sa paglabag ng kompanya sa safety standards.

Kaya naman nagsagawa ng strike ang mga manggagawa. Ngunit, imbes na dinggin ang kanilang mga hinaing, ay marahas na binuwag ang piketlayn.

Noong madaling araw ng June 28 ay sinugod ng mga security ng Pepmaco ang mga natutulog na manggagawa sa piket. Pinagpapalo ang mga manggagawa. Ang ilan ay malubhang nasaktan sa pangyayari.

Labis na pahirap at mapagsamantala talaga ang kompanyang Pepmaco!

Kaya naman, nananawagan ang mga manggagawa ng boykot sa mga produkto ng Pepmaco tulad ng Hana, Champion, at Calla. Ito ay para maipakita ng taumbayan ang kanilang suporta sa mga manggagawa at hindi pagtangkilik sa mga mapagsamantalang kompanyang tulad ng Pepmaco.

Nananawagan ang Bayan Muna sa Department of Labor and Employment na agad aksyunan ang kasong ito. Dapat bigyan ng danyos ang mga manggagawa at gawin silang regular nang empleyado ng Pepmaco. (Kakampi Mo ang Bayan / TEDDY CASIÑO)

107

Related posts

Leave a Comment