ILLEGAL OPERATIONS NG SABONG WORLD WIDE (SWW)

TARGET NI KA REX CAYANONG

HANGGANG ngayon ay marami pa ring mga sabungero na tumatangkilik daw sa mga tupada. Bawal ang hackfights at mapanganib.

Hindi na rin naman bawal ang mga sabong sa mga cockpit kaya wala na silang dahilan para magtupada.

Kahit saan ka raw magpunta, aba’y nariyan ang mga kaparehong aktibidad.

Sa Sabong World Wide (SWW) naman daw, aba’y nagagamit ang entry names ng ilang member ng Pitmaster.

Aba’y hindi naman yata tama iyan. Illegal ang ganyan at hindi dapat ginagawa.

Namamayagpag din ang ilang pages sa Facebook na naghahanap ng online sabong players.

Kumbaga, ito ‘yung mga kolorum na sabong sites. Naghahanap sila ng tatalpak pero hindi naman sila legit.

Nakatatakot ang mga ganitong modus. Hindi dapat ito tinatangkilik. Sayang lamang ang pera ng mga sabungero kung papatulan nila ito.

Ayon sa nakalap nating impormasyon, ginagawa raw ang mga laban sa kani-kanilang farms.

Halatang illegal ang kanilang ginagawa at hindi dapat tinatangkilik ng mga talpakero.

Kung legit naman kasi sila, hindi magtatakip ng mukha ang mga nagbibitaw.

Nangangahulugan lang talaga ito na hindi legit o kolorum ang kanilang operasyon.

Mag-ingat po tayong lahat, bayang sabungero!

506

Related posts

Leave a Comment