IMMIGRATION ASSISTANT TIRADOR NG EXCLUDED PASSENGERS

0

ISANG immigration assistant na nakatalaga sa Border Control Intelligence Unit (BCIU) ng Bureau of Immigration ang diumano ay tirador ng mga dayuhang excluded passengers sa Ninoy Aquino International Airport o NAIA.

Siya raw ang madalas na nakikitang nag-aayos bilang fixer ng mga kawawang dayuhang biktima sa main office ng BI sa Intramuros Maynila.

Itago natin siya sa alias na GL at kasabwat umano niya ang mga tiwaling tauhan ng BCIU at TCEU na nakabase sa NAIA.

Ang mga taga BCIU at TCEU ang siya naman daw naglalakad ng Recall of Exclusion Order upang makapasok ang mga dayuhang hinaharang sa departure area kapalit ang halagang 300k hanggang 700k thousand Pesos.

Kung inyong matatandaan, ibinisto natin dito sa Bistador ang tangkang pagbawi ng exclusion order laban sa isang Chinese national na si Zhang Xiaming na dumating at hinarang sa NAIA Terminal 2 noon pang March 18.

Hanggang sa kasalukuyan ay nandoon pa rin siya sa passengers lounge ng mga airlines sa NAIA at umaasang matutulungan siya ni alias GL na mapipirmahan sa Commissioners Office ang kanyang pases para makapasok ng tuluyan sa bansa.

Ang sabi, sobra na raw dismayado itong si Zhang Xiaming kung bakit hindi man lang siya pinayagang makatapak ang paa sa labas ng NAIA samantalang kumpleto raw ang kanyang mga travel documents gaya ng Philippine Visa na valid hanggang June 7, 2021.

Meron din daw siyang tinatawag na exemption mula sa Department of Foreign Affairs na pirmado ni DFA Assistant Secretary Ma. Theresa Lazaro na ang dayuhan ay isang businessman at konektado sa Hua Xin Construction Corp.

Biktima kaya ang dayuhan sa pagsasamantala ng mga tiwaling opisyales ng BI sa kanilang kapangyarihan o ginagawa lamang nila ang kanilang trabaho?

Bakit halos dalawang buwan na itong nananatili sa airport at hindi pa pinababalik sa China? Nanghihinayang kaya itong mga opisyales ng TCEU at BCIU sa maaring kikitain nila? Ang TCEU at BCIU ay under sa kapangyarihan ng office of the Commissioner at Chief ng Intelligence Division.

Kaugnay pa rin ng raket ni ­alias GL ay nagsisilbi rin umano itong runner at fixer sa Legal ­Division partikular ng mga lifting of blacklist upang makapasok naman sa bansa ang mga ­blacklisted na dayuhan kapalit ang mahigit kalahating milyong piso ­kasabwat naman ang isang Ilokano at bikolanong abo­gado rito at ­maging kay Mr. Clean.

Maging ang extension of ­tourist visa ay pinapatulan din umano ni alias GL na isang ­empleyado ng BI at mahigpit na ipinagbabawal sa batas ang pagiging fixer.

Paging DOJ Secretary Menardo Guevara, Office of the Ombudsman at kay BI Admin Chief Mary Ann Caranto, pakisilip nga po ang lifestyle ng kumag na ito na sobra raw ang lakas ng loob at tibay ng pagmumukha dahil sa kanyang mga kasabwat na ­opisyales ng BI.

Para sa inyong Sumbong at Reaksyon maaari ninyo akong itext sa 09158888410.

 
"COMMENT DISCLAIMER: Reader comments posted on this Web site are not in any way endorsed by SAKSI NGAYON. Comments are views by saksingayon.com readers who exercise their right to free expression and they do not necessarily represent or reflect the position or viewpoint of saksingayon.com. While reserving this publication’s right to delete comments that are deemed offensive, indecent or inconsistent with SAKSI NGAYON editorial standards, SAKSI NGAYON may not be held liable for any false information posted by readers in this comments section."

Related posts

Leave a Comment