INCUMBENTS SA CAMANAVA, QC NAGNINGNING SA HALALAN

EARLY WARNING

IBA na talaga kung subok na ng tao sa serbisyo-publiko dahil tiyak sa isang halalan tulad nitong nakaraan lang ay walang pagdududa na sila pa rin ang magwawagi gaya ng lahat ng incumbent officials sa CAMANAVA (Caloocan, Malabon, Navotas, Valenzuela) at Quezon City area.

Tulad na lang ni Caloocan Mayor Oca Malapitan, na halos walang naging katunggali at unopposed Vice Mayor Maca Asistio III kasama sina District 1 Rep. Along Malapitan at District 2 Rep. Egay Erice pati ang kumpletong tiket ng councilors na pinangunahan nina topnotcher Councilor-elect Enteng Malapitan (Dist.1) at Councilor Obet Samson (Dist. 2).

Wala ring katulad sa husay ang magkapatid na Valenzuela City Mayor Rex Gatchalian at District 1 Rep. Wes Gatchalian dahil kasabay nilang nagsipagwagi na walang mga katunggali ang council bets na pinangunahan ng number 1 na si Councilor Rovin Feliciano, anak ng ating kaibigang masipag na si Urban Poor Commission Chairperson Alvin Feliciano, at Vice Mayor Lorie Natividad-Borja.

Sa Navotas naman, makailang ulit na ring nabanggit ng inyong lingkod na tila ala pang ubrang makatitibag sa Tiangco Bros- Mayor-elect Toby Tiangco at Congressman-elect John Rey Tiangco – na nagpalitan lang ng p’westo kasama ang kumpletong slate nila sa city council na pinangunahan ni reelected Vice Mayor Clint Geronimo.

“Lubos ang aming pasasalamat sa mga residente sa kanilang patuloy na pagtitiwala at hindi naman kayo mabibigo dahil mas lalo pa naming paghuhusayin upang mas lalong maging maunlad ang Navotas at ang buhay natin sa lungsod,” ani Tiangco brothers.

Ganoon din sa Malabon kung saan wagi pa rin si Mayor Lenlen Oreta sa kanyang third and last term at bago n’yang ka-partner, Vice Mayor-elect Bernard ‘Ninong’ dela Cruz at ang nagbabalik na si Congresswoman-elect Jaye Lacson-Noel na nangakong magiging solidong ka-tandem ng una sa lalong pagpapasigla ng lungsod sa pamamagitan ng pagpapatuloy ng mga programa at proyektong kailangan ng kanyang constituents tulad ng edukasyon, kalusugan at kabuhayan kasama ang mga programa para sa senior citizens.

“Ako po ay taos-pusong nagpapasalamat sa Panginoon, sa mga residente, sa aking mga dati pang mga tauhan, volunteers, sa media, sa Team Pamilya Malabonian lalo na kay Mayor Oreta na simula pa lamang Day 1 ay full support na sa akin.”

Hinimok din ni Congw. Jaye ang mga nagsipagwagi, kaalyado man o hindi, na makipagtulungan na lamang upang mas umangat pa ang antas ng kabuhayan sa Malabon.

Tulad ng inaasahan, wagi si outgoing Quezon City Vice Mayor Joy Belmonte bilang alkalde at kanyang running mate and now Vice Mayor-elect Gian Sotto.

“Ako po ay nagpapasalamat sa mga mamamayan ng Lungsod Quezon na nagtiwala sa akin at sa aking mga kasamahan. Agad-agad po kaming magtatrabaho upang siguraduhin na ang aming mga sinabing gagawin ay magagawa namin sa lalong madaling panahon,” ani Mayor-elect Joy. (Early Warning / ARLIE O. CALALO)

190

Related posts

Leave a Comment