‘Yan ang naging pananaw ko roon sa mga Pinoy na nagsasabing masama o hindi tamang tumatanggap ng regalo ang mga tagagobyerno.
Alam ninyo po, likas sa ating mga Filipino na kapag natutuwa tayo o nasiyahan sa ipinamalas na pagtrabaho o pag-ayuda sa atin ng mga taong hinihingan natin ng tulong na kahit papaano tayo ay nagsusukli ng kabutihan doon sa mga taong natulungan tayo di ba?
Kaya roon sa mga taong nagsasabing bawal magbigay ng pasasalamat sa mga taong gobyerno lalo na sa mga pulis ay mga ipokrito!
Ibig sabihin ba kapag nailigtas ka ng pulis sa tiyak na kapahamakan laban sa sangkaterbang kriminal na gumagala sa buong bansa ay ‘di ka man lang magpasalamat?
At wala ka man lang gagawin upang maibalik mo ang ginawang kabutihan sa’yo dahil trabaho naman nila iyon bilang alagad ng batas?
Totoo naman na nakasaad ‘yan sa Republic Act (RA) 6713 o Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials and Employees, at ang Republic Act 3019, ang Anti-Graft and Corrupt Practices Act,” partikular na ang RA 6713 o prohibits public officials from soliciting or accepting gifts directly or indirectly.
Pero naman, likas na po talaga sa ating mga Filipino na kapag nagpapasalamat mayroong kaakibat na kaunting regalo na ‘yon naman ay bukal sa puso kaya wala akong nakikitang masama roon, gaya ng nabangit ni Pangulong Digong noong anibersaryo ng Philippine National Police.
KAMPO NI DATING SENADOR BONGBONG
MARCOS MAY URGENT MOTION SA PET
Hiniling ng kampo ni dating Senador Bongbong Marcos sa Presidential Electoral Tribunal (PET) na magtakda ng preliminary conference at payagan siyang magsumite ng ebidensya kaugnay ng umano’y dayaan sa vice presidential elections noong 2016.
Inihain ng kampo ni Marcos ang mosyon kasunod na rin ng natapos nang revision proceedings sa pilot provinces kabilang ang Camarines Sur, Iloilo at Negros Oriental.
Alinsunod sa 2010 Rules of the Presidential Electoral Tribunal, ang pagtatapos ng revision proceedings ay dapat na sundan ng pagtanggap ng ebidensya. (Pro Hac Vice / BERT MOZO)
