ISKO NG MAYNILA AT VICO NG PASIG

Misyon Aksyon

Sa unang sultada pa lang umuulan na ng aksyon sa bawat bayan na kanilang mga nasasakupan at kanya-kanyang diskarte sa kanilang mga bayan upang ipakita na tapos na ang politika at panahon na ng trabaho.

Si Isko ay lumaki sa Maynila na namulat sa sariling sikap, namulot ng basura hanggang pumasok sa politika, nagsimula sa konsehal, vice mayor at ngayon ay mayor.

Ito ang naging daan at susi niya upang maabot ang kanyang kinaroroonan ngayon at ipakita sa mga taga-Maynila ang nais niyang pagbabago sa lungsod.

Tuluy-tuloy ang ginagawa niyang paglilinis, hindi lamang sa mga nagkalat na basura, kundi ang mga nakahambalang na vendors sa mga daanan.

Maging ang trapiko ay sinisikap din niyang ayusin lalo na winawalis ang lahat ng mga ilegal na terminal na umano’y ginawang ‘gatasan’.

Gamit ni Isko ang kanyang naging karanasan sa pagiging mahirap na kalamangan niya sa ibang mga politiko na hindi nakaranas ng hirap at nakaupo agad sa puwesto.

Si Vico Sotto, bagama’t bata pa ito sa kanyang pinasok na larangan ay nagiging maingat ito na pinag-aaralan kung ano ang mga diskarte na kanyang ilalatag sa mga taga-Pasig.

Kahit nag-aral ito sa mga pribadong eskwelahan simula grade school hanggang matapos ang kanyang karera. Kahit bata pa ito ay mulat siya sa politika dahil sa mga angkan nito.

Magagabayan din ito ng kanyang pamilya sa ilang mga diskarte at hindi ito pababayaan ng mga ito.

Sino kaya sa dalawa ang magiging magaling at mahusay pagdating sa pagbibigay ng serbisyo sa bayan na siyang gagawing modelo ng millennials na siyang magbubukas pagdating sa politika.

Sana tuluy-tuloy ang kanilang mga programa na maalis ang pansariling interes, at sila ang magiging dangal ng bayan na magmamalasakit lalo na sa kaban ng bayan.

Kapag ganito ang uri ng ating mga politikong milenyo, ang respeto at dignidad ng mga Pinoy ay lalong aangat sa buong mundo.

Kina Mayor Isko at Mayor Viko, mga sir, nasa inyo po ang kinabukasan ng a-ting lahi.

Bukas po ang aking kolum para sa inyong panig at kapaliwanagan. NOTE: Problema sa SSS, GSIS, PAG-IBIG?homeowners at iba pa. Cellphone no. Smart 09420874863 / 09755770656 EMAIL ADDRESS: Misyonaksyon@yahoo.com / arnel_petil@yahoo.com/arnelpetil12@gmail.com. http://misyonaksyon.blogspot.com  (Misyon Aksyon / ARNEL PETIL)

333

Related posts

Leave a Comment