KAHIRAPAN SA PINAS TITINDI PA DAHIL SA GULO SA ISRAEL

KAALAMAN ni MIKE ROSARIO

ASAHAN na natin na lalo pang titindi ang kahirapan sa Pilipinas makaraang sumiklab ang kaguluhan sa Israel noong nakaraang Sabado.

Noong Sabado ay pilit na pinasok ng grupong Hamas ang dalawang bayan sa Israel sa pamamagitan ng pag-bulldozer sa bakod sa boundary.

Nang mapasok ng Hamas ang mga lugar na nasa ilalim ng gobyerno ng Israel, ay naghasik ng lagim ang mga ito sa komunidad.

Nasa 250 katao ang namatay at mahigit sa isang libo ang nasugatan sa panig ng Israel sa pangyayari na ‘yun, kasama ang ilang militar ng nasabing bansa.

Sa kaguluhang ito ay maraming OFWs ang mawawalan ng trabaho dahil maaari silang pauwiin ng kani-kanilang mga amo mula sa Israel.

Bukod dito, may OFWs din na nagtatrabaho sa Gaza City kung saan residente ang grupong Hamas na naghasik ng kaguluhan sa Israel.

Dahilan umano ng Hamas sa kanilang pagsalakay ay bilang ganti nila sa Israel sa ginawang pagbarikada at karahasan sa Jerusalem na ginagawa nito sa kanilang mga kababayan.

Dahil sa pangyayaring ito ay asahan natin na pahirap na naman ang idudulot nito sa ating mga kababayang OFWs.

Sa posibleng pagganti ng Israel sa grupong Hamas, maaalarma ang iba’t ibang mga bansa sa buong mundo na sumusuporta sa Hamas.

Maaari itong mga kilalang Muslim country na tulad ng Iran at iba pa, na susuporta sa grupong Hamas.

Maaari ring maghigpit ang mga bansa sa Middle East sa paglabas ng kanilang mga produktong petrolyo na makakaapekto sa mahihirap na mga bansa tulad ng Pilipinas, na umaasa ng suplay ng langis mula sa kanila.

Kasabay n’yan ang pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo.

At siyempre sa pagtaas ng presyo ng langis, tataas na rin ang mga bilihin sa Pilipinas.

Sa pagtaas ang presyo ng mga bilihin sa Pilipinas na maraming tambay o walang trabaho, maraming kakalam ang sikmura na posibleng magdulot ng mga kriminalidad.

Kaya kahit malayo ang Israel sa Pilipinas, lalo na kaalyado natin ang bansang ito, ay apektado tayo.

Kaya asahan natin na lalo pang titindi ang kahirapan sa Pilipinas.

Ngayon pa lamang, sa nalalapit na paglilikas sa 30K OFWs mula sa Israel, ay gagastos ang gobyerno ng malaking halaga.

Kaya payo ko sa ating mga kababayan, dobleng higpit ng sinturon tayo.

Kailangan nating magtipid para makaraos tayo sa pang-araw-araw na pangangailangan.

313

Related posts

Leave a Comment