KAIBAHAN NG PHARMALLY PHARMACEUTICAL CORP. SA PHARMALLY BIOLOGICAL, IPINALIWANAG

PUNA ni JOEL O. AMONGO

NILINAW ng isang babaeng negosyante na ang Pharmally Biological and Pharmaceutical Company ay hindi sister company ang kontrobersyal na Pharmally Pharmaceutical Corporation na naging pakay sa imbestigasyon ng Quad committee ng Mababang Kapulungan ng Kongreso kamakailan.

 

Base sa businesswoman-turned politician na si Rose Nono-Lin, may-ari ng wala na ngayong Pharmally Biological, nilinaw niya kamakailan sa kanyang pagdalo sa Quad Committee, na hindi siya opisyal o may-ari ng nasabing kontrobersyal na pharmaceutical company.

Muling inulit ng negosyante na ang Pharmally Biological ay hiwalay at magkaiba sa Pharmally Pharmaceutical.

Ang paglilinaw ni Nono-Lin ay kapareho sa kanyang ginawa na pagdalo sa Senate Blue Ribbon Committee noong 2021 na nag-imbestiga sa P8 bilyong nakuhang kontrata ng Pharmally Pharmaceutical para sa medical supplies sa pagtugon ng Duterte administration sa COVID-19 pandemic, na sinasabi na ang kumpanya ay may puhunan lamang na P625,000.

“I have no involvement in the operations of Pharmally Pharmaceutical Corp. Pharmally Biological is a different entity, and has no shares or stocks with Pharmally Pharmaceutical,” ani Nono-Lin.

“I am just an ordinary citizen and businesswoman making a living in a legal and fair means. All the accusations against me and my family

were purely hearsay,” dagdag pa niya.

Lumabas sa mga dokumento na ang asawa ni Nono-Lin na si Lin Wei Xiong, isang Hong Kong national, na financial manager ng

Pharmally Pharmaceutical, at isang malapit na kasama ni dating presidential adviser Michael Yang, ang nagbigay ng pondo sa nabanggit na kumpanya.

Binanggit ng mga abogado ni Nono-Lin na ang nasabing mga dokumento ay hindi magpapatunay na ang Pharmally Biological and

Pharmally Pharmaceutical Corp. ay sister companies, o si Lin ay isang opisyal o shareholder ng huli na may kontrata sa gobyerno.

Habang kinikilala na ang asawa ni Lin at si Yang ay kasosyo sa ilang mga aktibidad, ipinunto ng abogado ni Nono-Lin na wala itong napatunayan.

“All these are speculations. She is not an officer [of Pharmally Pharmaceutical] nor involved in the operation or implementation of the contract,” sabi pa ng abogado niya.

Kakaiba nga talaga ang pulitikang Pinoy, walang katapusang bangayan.

Sabi tuloy ng aking kaibigang barbero, kung sino ang iboboto ng taumbayan, siya ang magtatagumpay at uupo pagkatapos ng 2025 midterm election. Abangan na lang natin.

29

Related posts

Leave a Comment