KALIWA’T KANANG PAMASKO MULA KAY COUN. DOK G LUMBAD

TARGET ni KA REX CAYANONG

SA gitna ng kasiyahan at pagdiriwang ngayong Kapaskuhan, nagpaabot ng taos-pusong pasasalamat si Quezon City 3rd Dist. Coun. Dra. Geleen “Dok G” Lumbad sa mga taga-distrito sa mainit na pagtanggap at suporta sa #TeamDokG.

Siyempre, sa bawat pamamahagi ng pamaskong handog sa iba’t ibang bahagi ng District 3, tinutupad ng kanyang team ang pangako na magpatuloy sa pagbibigay serbisyong may malasakit sa mamamayan.

Ang bawat araw ng paglilingkod ay puno ng pagmamahal at dedikasyon upang mapabuti ang kalagayan ng ating mga kababayan sa kanyang nasasakupan.

Isang malaking pasasalamat din ang kanyang ipinarating sa street leaders ng Brgy. West Kamias sa masayang Christmas Party (Batch 3). Aniya, ang kanilang pagiging bahagi ng #SerbisyongDokG ay nagbibigay inspirasyon sa kanilang grupo na magpatuloy sa paglilingkod sa komunidad.

Sa Brgy. Duyan-Duyan, hindi lang tradisyon ng pamilya, kundi ng buong #TeamDokG ang nagbigay ng Noche Buena packs.

Ayon kay Dok G, ang masigla at masayang pagtanggap ng mga taga-barangay ay nagbibigay ng kakaibang sigla sa kanilang layunin na maging daan tungo sa isang mas maunlad na distrito.

Sa kanila namang pagbisita sa South Zuzuarregui, Calderon, Lakas Kilusan, Sapang Kangkong, Sitio Gabihan, San Rafael at Visayan Hills ng Brgy. Matandang Balara, nasaksihan muli ang pagmamahal ni Dok G sa pamamahagi ng Noche Buena packs.

Sinasabing ito ay hindi lamang simpleng pagtulong, kundi pagpapakita ng pagmamalasakit sa pangangailangan ng mga residente.

Mas marami pang lugar ang narating ng Dok G para sa pamamahagi ng pamaskong handog.

Ito ay tanda ng kanyang pangako na ipagpatuloy ang serbisyong may malasakit at dedikasyon sa darating na mga taon.

Samantala, dinalaw rin ni Dok G at inabutan ng pamasko ang mga taga-Brgy. Libis.

Nais niya kasing maging bahagi ng pagdiriwang ng Pasko at magbigay ng konting aliw at saya sa mamamayan.

“Sa pangalan ng #TeamDokG, ako’y nagpapasalamat sa inyong tiwala at pagtangkilik. Maligayang Pasko at Bagong Taon sa ating lahat. Ang pagmamahal namin sa inyo ay tulad ng kahalagahan ng pagdiriwang ng Pasko—walang kapantay at walang hanggan. Mahal namin kayo!” pahayag pa ng masipag at energetic na si Dok G.

God bless and more power po!

111

Related posts

Leave a Comment