KARANGALAN SI BBM BILANG PRESIDENTE

SA nasyunal eleksyon, ­naging MANTRA ni President-Elect Bongbong Marcos ang PAGKAKAISA, tungo sa isang maunlad at matiwasay na bansa. Isang malinis na hangarin. Hindi po ba?

Maluha-luha po ang inyong lingkod habang sinasabi ni President-Elect BBM na gusto niya ang mamamayang Pilipino ay magsasabing “AKO AY PILIPINO, TAAS NOO KAHIT KANINO”.

Busilak ang puso ni BBM, hindi lamang ang kanyang sarili ang iniisip, kundi ang ­sambayanang Pilipino. Kaya naman, magkaisa tayo at suportahan ang kanyang napakagandang layunin.

Sa ngayon, ikinararangal ko talaga ang kanyang pagka­panalo bilang Presidente ng Pilipinas. Biruin niyo, WORLD LEADERS, nagpaabot ng pagbati sa kanyang pagkapanalo.

Mula sa bansang Amerika, China, Japan, Russia, at Australia. Opo, mga Igan, nagkausap lang naman ang Australian PM at si Presumptive President Marcos sa pagbabakasyon sa bansang Australia.

Ito ay kinumpirma ng ating boss at spokesperson na si Atty. Vic Rodriguez, sinabi nitong andun nga ang buong pamilya ni Marcos.

Sa pahayag pa ni Atty. ­Rodriguez, nagkausap nga si presumptive President Marcos at Australian Prime Minister Scott Morrison sa naturang bansa. Wow huh! Isang magandang indikasyon ito.

Again, nagpaabot din ng congratulatory message ang pinuno ng bansang Australia kay Marcos. Patunay na kinikilala nila ang naging desisyon ng 31 milyong Pilipino na ­nagkaisa para sa ating presidente.

Proud talaga ako at masaya na si BBM ang Presidente natin. Hindi nawalan ng saysay ang ating pagsuporta sa kanya, mula sa pagiging senador, pagtakbo ng bise presidente, at pagka-Presidente.

Mabuhay ang mamamayang Pilipino!

***

PETISYON LABAN KAY
BBM WALANG KWENTA

WALANG KWENTA, o basura ang petisyon laban kay BBM para ikansela ang Certificate of Candidacy ni presumptive President Ferdinand Bongbong Marcos.

Pwede ba sa petitioners, MAGTIGIL na kayo! Mga bayad ba kayo? O hindi niyo matanggap ang naging desisyon ng 31 milyong Pilipino. Anong TRO? Bakit niyo ipapatigil ang bilangan at proklamasyon ng presidente natin? Ambot!

Father, baka nakalilimutan mo ang iyong tungkulin sa ­mundo. Ipakalat ang mabuting salita ng Diyos. Sinapian ka na ba ni Satanas? Magkano ba? Nagkaroon ba ng CASH-SUNDUAN?

Ito rin si dating SC spokesperson Atty. Ted Te. Hindi ko maintindihan. Abogado ka pa naman? Tila binabaluktot mo ang batas. Kailangan mo bang mag review? O baka naman namamantikaan ka? Nagtatanong lang.

Related posts

Leave a Comment