KASO VS BADOY ET AL, TINULUGAN NG OMB?

SA nakalipas na tatlong taon, walang pag-usad sa kasong inihain sa Office of the Ombudsman laban sa mga dating opisyales ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC), ayon sa Ibon Foundation.

Ang totoo, mandato ng Ombudsman ang anomang reklamong idinudulog sa kanila kaugnay ng mga bulilyaso ng mga taong gobyerno. Subalit tila natulog ang kasong inihain laban kina dating NTF-ELCAC spokesperson Lorraine Badoy, retired Lt. Gen. Antonio Parlade, at dating National Security Adviser Hermogenes Esperon.

Paratang ng grupo, iniugnay sila ng NTF-ELCAC sa Communist Party of the Philippines at armadong sangay nitong New People’s Army.

Ang problema, wala na silang tatlo sa pamahalaan dahil tapos na ang termino ng pangulong nagtalaga sa kanila sa pwesto. Gayunpaman, hindi pa rin naman dapat dedmahin ng Ombudsman ang mga reklamong isinampa sa kanila dahil nangyari ang bulilyaso noong sila’y nanunungkulan pa sa gobyerno.

Sa pagsasaliksik, lumalabas na isang beses kada taon ang pag-usad ng kaso laban kina Badoy, Parlade at Esperon – Hulyo 2021 at Marso 2022 na kapwa “nasa evaluation stage” pa ang kaso.

Sa tala ng tanggapan ng Ombudsman, wala maski isang target ng reklamo ang ipinatawag para sumagot ng petisyon. Malinaw na inupuan lang ang kaso – kasi nga kaalyado ng noo’y pangulo sina Badoy, Parlade at Esperon.

Sa ilalim ng administrasyong Marcos, angkop lang marahil na ipaalala ng Pangulo sa nasasakupang mga ahensya ng ehekutibo ang kanilang mandato – magsilbi sa mga tao at hindi sa kaalyadong nasa pwesto.

125

Related posts

Leave a Comment